Tatlong LPA Minomonitor
Tatlong Low Pressure Area o LPA ang binabantayan ngayon ng PAG-ASA. Dalawang LPA ang nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Mataas ang posibilidad na maging isang Tropical Depression ang LPA na matatagagpuan sa 1,140km East ng Central Luzon at tatawagin itong Dante sa loob ng 24 na oras.
Habang katamtaman ang tsansang mabuong Tropical Depression ang LPA na matatagpuan sa 225km East Southeast ng Basco, Batanes.
Samantala, isang panibagong LPA ang nabuo sa labas ng PAR na 2, 850km East ng Eastern Visayas. Kasalukuyang katamtaman din ang tsansa na ito ay maging isang bagyo.
– Gillian Paul Abayon
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.

