Malakas na pag-ulan patuloy na nararamdaman sa Metro Manila at mga katabing probinsya.
Bagamat nakaalis na ang bagyong Crising sa Philippine Area of Responsibility o PAR, habagat naman ang nag paparanas ng malakas na ulan ngayong ngayong lunes, July 21, ang masamang panahon dito sa Metro Manila at sa mga katabing probinsya na nag dudulot ng pag baha sa ilang lugar sa National Capital Region o NCR.
Nag anunsyo na ang Malacañang Palace na suspendido ang lahat ng Government offices at Class levels simula 1pm sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan.
Samantala, nag anunsyo si DOTR Secretary Vince Dizon ng libreng sakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 dahil sa matinding sama ng panahon.
Kasalukuyang binabantayan din ang Marikina River na ngayo’y nasa Alert Level 2.
Ayon sa advisory ng PAG-ASA, patuloy na makakaranas ng 100 to 200 mm of rainfall ang Metro Manila at ilang probinsya sa mga darating na araw. Inaabisuhan ang mga Local Government na mag handa.
Binabantayan din ng PAG-ASA ang isang Low Pressure Area o LPA 1,140 kilometers sa silangan ng Southeastern Luzon.
– Gillian Paul Abayon
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
