Sinisilip ang posibleng conflict of interest ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos lumutang ang kanyang corporate connection sa Planters Products Inc. (PPI), ang importer ng 12,480 metric tons ng bigas mula Vietnam na hinarang ng mga awtoridad.
Batay sa corporate records, si Tiu Laurel ang chairman ng Planters Foundation Inc., na may hawak na 79.24% ng PPI shares bilang trustee at may voting authority sa kumpanya. Sa gitna ng kontrobersiya sa rice importation, lumalakas ang mga tanong tungkol sa suporta ng DA sa lokal na magsasaka, presyo ng palay, at pananagutan ng mga opisyal na nangangasiwa sa importasyon.
Itinanggi ni Tiu Laurel ang mga alegasyon ng katiwalian at sinabing siya mismo ang nag-utos na kanselahin ang import clearance bago dumating ang shipment.
Discover more from CurrentPh
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
