OFW Partylist Marissa Del Mar tutulong magkabahay ang mga OFW Families

0
667
OFW Party

Libo-libong mga kababayan natin ang sumalubong sa OFW Partylist (no. 49) sa pamumuno ni Marissa del Mar noong Abril 5 sa Barangay Mayamot, Antipolo Rizal.

Sa panayam kay Marissa Del Mar, isang magandang pagkakataon na makadaupang palad niya ang mga taga Antipolo sapagkat karamihan sa mga ito ay naghahanap ng mabuting buhay. Mayroong isang milyong botante ang probinsya ng Antipolo sa buong CALABARZON.

Nagbigay ng scholarship para sa mga matatalinong kabataan ang OFW Party sa pangunguna ni Marissa del Mar. Nangako din ang partylist nominee Marissa del Mar ng agarang tulong sa pabahay sa kanyang mga kababayan sa sandaling mailuklok ang OFW Partylist 49 sa Kongreso.

Inengganyo din niya ang mga taga Antipolo na maging entrepreneur at magsanay ng kanilang mga skills.

 

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.