🇵🇭 Currentph News TV — Real News. Real Talk. Real Impact.
May deliberate operation ngayon na ginagamit ang mga recantations nina Guteza at ng mga Maleta Boys para linisin hindi lamang ang pangalan ni Ex-Speaker Martin Romualdez kundi maging ang iba pang malalaking contractors at government officials na sangkot sa maanomalyang 1.7 trillion-peso flood control project!
Bakit kailangang linisin? Para ma-justify na makikinabang pa rin ang mga ito sa budget allocation para sa flood control projects na nakasaad sa National Expenditure Program o NEP para sa 2027.
Ang tawag sa ganitong communications strategy ay ang isakatuparan ang political amnesia–palitan ang narrative na nagkaroon ng flood control scandal ng isang narrative na haka-haka lang ang flood control dahil sa false witnesses. Na ang flood control scandal ay bahagi ng destabilisasyon laban sa PBBM administration.
Papaano magiging bahagi ng destabilisation eh mismong si PBBM ang nag-expose nito? Kung maisakatuparan ang political amnesia, ang makikinabang ay mga dambuhalang corrupt na mga contractors at mga politiko mula sa Duterte hanggang sa PBBM administration.
💡 We believe the truth matters to all — especially in an era of disinformation.
Whether it’s political reform, democratic values, digital freedom, or the voice of the Filipino youth, you’ll find it here.
🎥 Subscribe and join the #CurrentPHCommunity — where being informed is being empowered.
Discover more from Current Ph
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
