Tinawag ni Waldy Carbonell na inutil at manloloko si Pangulong Rodrigo Duterte sa isa niyang video na ipinalabas sa kaniyang Youtube channel.

Video Courtesy of Waldy Carbonell

Link: https://youtu.be/NbBORAxa_Ro

Si Waldy Carbonell ay isang Filipino Journalist at Political commentator na lumalaban sa demokrasya ng bansa, kilala rin siya bilang kritiko ng administrasyon at kumakailan lamang ay nag viral ang kontrobersyal na pag sunog niya sa watawat ng China sa harap mismo ng Chinese Embassy upang iparating na ang Pilipinas ang may titulo sa mga isla na pinag aagawan sa West Philippine Sea.

Sinabi niya sa kanyang ginawang video na manloloko si pangulong Duterte dahil sa umano na-pako nitong pangako na susugpuin niya ang ilegal na droga, ang korapsyon sa bansa, at babawiin ang mga lupain ng Pilipinas na inaangkin ng China.

“Wala po ni isa ang natupad sa mga panloloko na iyan, pinakamalala po diyan ay ang pagtatraydor sa bansang Pilipinas, na kung saan hanggang ngayon ay naglilipana at nagiging boss pa natin diyan sa West Philippine Sea ay ang China,” ani Waldy.

Matatandaang sinabi ni Duterte noong kasagsagan ng pangangampanya para sa 2016 Presidential Election na susugpuin niya ang droga sa Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw umano nauubos ang kalakaran ng droga sa pilipinas dahil isa ang presidente sa mga tumutulong para maka laya ang mga Druglords sa bansa.

ibinunyag ni Waldy na mayroong pinakamalaking Druglord sa Davao na nakulong na noon at sa tulong ng Presidente Duterte ay miyembro na ng opisyal na Gabinete ngayon na nag ngangalang Michael Yang.

Dagdag ni Waldy, nakulong si Yang noong 2016 dahil sa pagiging druglord at agad naman nakalaya bago pa manalo si Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.

“Ilang libong Pilipino ang pinapatay ni Duterte sa ngalan ng illegal drugs samantalang ang Druglord gagawin niyang Cabinet Member, ito po’y napakalaking katarantaduhan,” ani Carbonell.

Naipakita sa video kung saan sinasabi ni Ex-cop Eduardo Acierto ang pagkakasangkot ng Chinese nationals sa illegal drug trade.

Sinabi ni Acierto na nakakapagtaka dahil ang mga maliliit lamang ang pinupuntirya samantalang bihira lamang ang mga malalaking druglord ang nahuhuli.

“Gusto kong lansagin ang malalaking grupo at makulong ang malalaking tao na nasa likod ng ilegal na droga, ito po ay ang mga dayuhan sa ating bayan, ang mga intsik, taiwanese at Mexicano,” banggit ni Acierto.

Natuklasan din niya umano na may palaging kasamang dalawang taong malalaki na involve sa droga si Pangulong Duterte at isa na dito si Michael Yang.

 

Video link: https://www.youtube.com/watch?v=NbBORAxa_Ro

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.