TRILLANES SASAMPAHAN NG DALAWANG KASO NG INCITING TO SEDITION

0
172

Nagbabala si Atty. Manuelito Luna na magsasampa siya ng kaso kasama ang iba pang abugado laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isinagawang presscon sa lungsod ng Pasay sinabi ni Atty. Luna na inaayos na nila ang pagsasampa ng dalawang kaso ang traditional

libel to inciting to sedition at cyber libel to inciting to sedition laban sa dating senador.

Kilala si Atty. Luna na nagsampa ng mga kaso laban kay Trillanes sa Pasay Metropolitan Trial Court.

Ayon kay Luna bilang isang ordinaryong mamamayan nanahimik na siya subalit nabanggit siya ni Trillanes sa mga banat sa publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Bong Go.

Ipinaliwanag din ng abugado na ginamit ni Trillanes ang Tiktok para sirain sina Pangulong Duterte at Senador Go na aniya may paglabag sa Cyber libel to inciting to sedition bukod pa sa mga paninira ng senador sa publiko na pasok aniya sa traditional libel to inciting to sedition.

Iginiit pa ni Atty. Luna na walang kasong plunder na nahaharap sina Pangulong Duterte at Senador Go dahil hindi pa nagsasampa ng kaso si Trillanes.

Hinamon din ng abugado si Trillanes na kung may sapat na ebidensya magsampa ng kaso at huwag magngangawa para sa political interest sa nalalapit na halalan.

Dagdag pa ni Atty. Luna na kung wala naman ebidensya mas makakabuti na mag public apology na lamang si Trillanes sa taumbayan sa paninira sa pangulo at kay Senador Go.

Aniya kung gagawin ito ng senador maaring hindi na sila magsampa ng kaso laban kay Trillanes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.