Sa gitna ng pandemya kung saan ang pagtutulungan ng bawat isa ay kailangan, dahil dito ay nakaisip ang mga tao ng bagong gimik upang makatulong sa mga nangangailangan.

Sa tulong nina Capt. Roberto Bobotioc, Kagawad Mrya Ditablan at ng Ithan Gay Society (IGS), naisipan nilang magsagawa ng “Community Pantry” sa kanilang lugar na nagsimula noong April 25, 2021 sa Brgy. Ithan Binangonan Rizal.

Sa pamamagitan ng social media ay nakalikom sila ng mga pagkain at syempre pati na rin pinansyal.

Mayroong namahagi ng mga kape at pandesal, kung saan ito ay ipinamimigay tuwing umaga para sa mga taong kumakalam ang tiyan.

Ayon sa kanilang post, nagbigay inspirasyon sa kanila ang sinabi ni Miss Earth 2017 Karen Ibasco na ang mumunting pagkilos natin ay maaring magresulta ng malaki sa hinaharap.

Sa mga nais magpaabot ng tulong ay maari kayong magsend sa Gcash:

Contact Number:09659828169

Account name: Virginia Oliveros

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.