Pagpapatigil sa State Colleges and Universities (SUCs) sa mga foreign students na tamasahin ang kaparehong benepisyong nakalaan lang dapat para sa mga Pilipinong iskolar ng bayan.

on

Pinatitigil ni Senadora Imee Marcos ang komersyalisasyon sa mga State Colleges and Universities (SUCs) na pinapayagan ang mga foreign students na tamasahin ang kaparehong benepisyong nakalaan lang dapat para sa mga Pilipinong iskolar ng bayan.

Ayon kay Marcos, bunsod ng enrollment quota ay napupunta lang sa mga dayuhang mag-aaral ang dapat sana ay libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga pamantasan na laan sa mga Pilipino, partikular sa napakagastos na kursong medisina.

“Unahin natin ang kapwa natin Pilipino. Gamitin natin ang ating buwis para sa mga Pilipinong gustong maging doktor, lalo sa ganitong mga panahong may pandemya,” ani Marcos.

“Mababalewala ang pagsisikap nating madagdagan ang mga doktor ng bayan at malulustay lang sa mga dayuhan,” dagdag ni Marcos, na ibinida ang panukalang batas ng Senado na magpapalawak sa medical scholarship, o ang ‘Doktor Para Sa Bayan’ bill.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee noong Lunes para sa 2021 budget, nanawagan si Marcos sa Commission on Higher Education (CHEd) na magsumite ng listahan ng mga foreign student sa mga SUC sa nakalipas na limang taon.

Humihingi ang CHEd ng karagdagang P4.6 bilyon na pondo para madagdagan ang mga iskolar ng gobyerno na mag-aaral ng kursong medisina sa 5,368 kada taon.

Aminado si CHEd Chief Prospero De Vera na tali ang kanilang kamay na limitahan ang bilang ng mga foreign students sa SUCs dahil karapatan ng Board of Regents ng bawat kolehiyo at unibersidad na desisyunan ang pagtanggap sa kanila.

Sa tala ng Bureau of Immigration ay nasa 26,000 ang foreign students sa bansa subalit di tukoy kung ilan ang kasalukuyang nag-aaral ng medisina sa walong SUCs kabilang ang Mariano Marcos State University, University of Northern Philippines, Cagayan State University, Bicol University, West Visayas State University, University of the Philippines – School of Health Sciences, University of the Philippines – Manila, at Mindanao State University – Marawi.

Mayroon pang tatlong SUCs ang kasalukuyang pinoproseso ang aplikasyon para magbukas ng kursong medisina – Cebu Normal University, Western Mindanao State Univerity sa Zamboanga City, at University of Southeastern Philippines sa Davao City.Hiniling ni Marcos sa CHEd, SUCs at Bureau of Immigration na agad repasuhin ang kanilang mga panuntunan patungkol sa mga foreign students para masigurong mabibigyang prayoridad ang mga Pilipinong mag-aaral.

Hiningi rin ni Marcos ang kooperasyon ng mga medical student organization na maging alerto at isumbong sa gobyerno kung may mga SUC na pinapaboran ang mga banyagang mag-aaral.


Discover more from Current PH

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

video

SONA 2026: Marcos, China, US Alliance and the Philippines’...

https://youtu.be/p3zyjwm2oHM SONA 2026: Marcos, China, US Alliance and the Philippines' Next Direction As President Ferdinand Marcos Jr. prepares to deliver his 2026 State of the Nation...
video

Marcos 2028 Legacy: Economy, Corruption and West Philippine Sea...

https://youtu.be/1e0md4a2e0I Marcos 2028 Legacy: Economy, Corruption and West Philippine Sea Challenges As the Marcos administration moves closer to its final years in office, attention is turning...
video

SONA 2026: Marcos Faces Trust Drop, Flood Scandal and...

https://youtu.be/h49wdASICyU SONA 2026: Marcos Faces Trust Drop, Flood Scandal and Reform Pressure Today With President Ferdinand Marcos Jr.'s 2026 State of the Nation Address approaching, public...
video

SONA 2026 Raises Questions on Debt, Jobs, and Marcos’...

https://youtu.be/cEv77Q5dJNs SONA 2026 Raises Questions on Debt, Jobs, and Marcos' Remaining Two Years As President Ferdinand Marcos Jr. prepares for SONA 2026, the discussion shifts beyond...

Digital Diplomacy and Philippines-China Relations

Digital Diplomacy and Philippines-China Relations   Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz has recently taken to social media to promote the spirit of cooperation and friendship...

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading