6 nasawi sa sunog sa Tondo, Manila

0
931

Ulat ni Benjie Cuaresma

MANILA, Philippines — Anim diumano ang iniulat na nasawi sa naganap na sunog sa Yuseco St., Tondo, Maynila  Huwebes ng madaling araw.

Sa anim na fire victims, huling nakita ang bangkay  sa kanilang banyo  dakong alas 8:45 na ng umaga ang biktimang si  Aquelina Romero Javana, 44.

Unang natagpuan ng firemen ang mag-iina na sina Yhancy Kieffer Conde, 8 taong gulang; Yara Courtney Conde, 9; Yhexel George Nicholas Conde 10, nanay nila na si Odessa Conde 36 at pinsan nito na si Jean Paul Esguerra, 42.

Natrap diumano ang naturang mga biktima sa loob ng kanilang bahay.

Sugatan naman ang padre de pamilya ng mga nasawi na si George Conde, 43, na ngayon ay inoobserbahan pa sa isang ospital.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa  ikalawang palapag ng kanilang inuupahang bahay na pagaari ni Encarnacion Lutero dakong alas-2:40 ng madaling araw.

Nadeklara itong fire out ng alas-7:14 na ng umaga.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente na diumanoy sinadya. (Benjie Cuaresma/IAMIGO/Curentph.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.