Hayagang pinangalanan ng dating Bulacan Assistant District Engineer na si Brice Hernandez sila Senador Jinggoy Estrada at Senador Joel Villanueva na tumangap di umano ng pera galing sa mga Flood Control projects.
Eto ang nangyaring kaganapan ngayong araw ng martes, Setyembre 9 bago magsimula ang talakayan ng Infrastructure committee ng House of Representatives.
Ayon kay Hernandez, tumangap si Estrada at ng 30 percent cut mula sa mga proyekto ng Hagonoy at Malolos ngayong 2025. Habang si Villanueva ay 30 percent din sa Balagtas, Bulacan.
Sa isang Press Statement, sinabi naman ni Senator Jinggoy na ni minsan ay hindi niya nakasalamuha si Hernandez at tahasang sinabi na ito ay sinungaling.
Sa ngayon ay wala pang direktang ulat sa reaksyon ni Senator Villanueva hingil sa kaso ng Flood Control Projects.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
