Opisyal nang tinangap ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr. ang Resignation Letter ni Secretary Manuel Bonoan bilang kalihim ng Department of Public works and Highways.Kinumpirma ito ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez. Ito ay kaugnay pa rin ng mga iregularidad ng mga Flood control projects na nasa pamamahala ng ahensya.
Itinalaga naman ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng ahensya.
Matatandaan na si Bonoan ay mutnikan nang palitan ng dating DPWH Secretary na si Babes Singson. Tinangihan ito ni Singson dahil sa mga issue na pang-kalusugan at seguridad.May mga kumakalat din nung mga nakaraang araw na maaaring si Dating PNP Chief Nicolaas Torre ang itatalaga na siya di umanong dahilan ng kanyang pagkakasibak sa pamunuan ng Kapulisan. Lahat puro espikulasyon at hindi nagkatotoo.
Inaasahan na mabigat ang responsebilidad na nakaatang kay Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH. Marami ang dapat kalusin, marami ang dapat tuwirin, marami ang dapat ayusin. Maging maganda nawang simula ang pagkakatalaga sa bagong Kalihim.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
