Sinimulan na ang pagbalangkas ng budget para sa taong 2026.
Para sa taong ito, nag-imbita ang mga mambabatas ng mga pribadong sektor at NGO para maging mata at bantay ng bayan para sa aaprubahan nilang budget.
Ang mga Pribadong sektor na ito ay Volunteeer hindi binayaran ng Gobyerno. Layunin ng mga grupong ito na bantayan ang pag balangkas ng Budget para maiwasan ang korapsyon.
Hinihiling ng mga grupong ito na mabigyan sila ng boses sa mga Committee hearing. Dagdag pa ng grupo, mababaliwala ang kanilang pag-represinta kung hindi sila makakapagsalita. Aniya, kailangan silang pakingan at bigyan ng oras.
Isa sa mga sinisiguradong babantayan ng mga Pribadong sektor na ito ang mga Proyekto hindi na kinakailangan laanan ng pondo ngunit patuloy na pinaglalaanan.
Binigyan naman ang bawat grupo na mag sumite ng kanilang mga Position paper na maaaring pag-aralan at ikonsidera sa pag-dinig ng Budget allocation.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
