PBBM Hindi Pipirma ng budget na “Misaligned”
-Gillian Paul Abayon
Sa kanyang pang apat na SONA nitong lunes, July 28, nag bigay warning si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya pipirmahan ang budget na “misaligned” sa mga proyekto ng Gobyerno.
“Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino”. Saad ni PBBM.
Ayon sa Presidente ibabalik daw niya ang “any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program.” Gagawin daw ito ng Presidente kahit magkaroon pa ng “reenacted budget.”
Inaprubahan naman ni Pangulong Marcos Jr. ang proposed P6.793 trillion budget para sa 2026.
Patuloy na mag-iinvest ang Gobyerno sa Build Better More Infrastructure program at digital transformation.
Maaalala na delayed noong nakaraang taon ang pag pirma ni Pangulong Marcos Jr. para sa 2025 National Budget at ang pag veto sa umaabot na P194 Billion na line items dahil hindi daw ito “consistent” sa mga programa na prayoridad ng Gobyerno.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
