Bagong Witness Sa “Missing Sabungeros”
-Gillian Paul Abayon
Martes, July 29, inanunsyo ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla na may panibagong witness sa isa sa mga kontrobersyal na issue, ang kaso ng “Missing Sabungeros”.
“Hindi lang ito testimonial evidence. May real evidence na involved dito. Meron dito totoong ebidensya na bukod sa kwento.”
“Bukod sa kwento, may sariling ebidensya pa na kalakip kasama ito” dagdag pa ni Remulla.
Hindi pa daw papangalanan ang bagong witness sa media, si Dondon Patidongan alyas “Totoy” pa lang ang lumalantag na witness.
Kasalukuyang tinuturo na mastermind ay ang negosyanteng si Atong Ang at ang Aktres na si Gretchen Barretto. Labingdalawang active personnel naman ang nasasakdal ng administrative offenses.
Sinabi din ni Justice Secretary Remulla na Tmtuloy pa rin ang paghahanap ng mga labi sa Taal Lake matapos ang ilang araw na pag hinto dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa kanyang pang apat na SONA noong lunes, July 28, sinabi ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Binanggit niya na mapapanagutan ang mga nasa likod ng krimen.
“Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at ang sangkot, sibilyan man o opisyal. Kahit malakas, mabigat, o mayaman, hindi sila mangi-ngibabaw sa batas” sabi ni Presidente Marcos Jr.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
