Pagkakaroon ng Punong-Guro sa bawat Pampublikong Paaralan Pinatitiyak!

on

Pagkakaroon ng Punong-Guro sa bawat Pampublikong Paaralan Pinatitiyak!

Ni: Nino Aclan

BINIGYANG-DIIN  ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan, bagay na makakamit kung babaguhin ang mga lumang polisiyang nananatili sa Department of Education (DepEd).

Mahigit kalahati ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro. Sa isang pandinig pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd na 20,718 lamang sa 45,918 na mga pampublikong paaralan sa bansa ang may napunang principal positions. Para sa natitirang 24,480 na mga paaralan, Teachers-In-Charge lamang na madalas nangangailangan ng karagdagang training at suporta ang nakatalaga.

Batay sa staffing parameters na mula pa noong 1997, mga punong-guro ang nakatalaga sa mga elementary schools na may siyam na guro at sa mga secondary schools na may anim na mga guro. Ayon kay Undersecretary Wilfredo Cabral, isinasapinal na ng DepEd ang mga bagong pamantayan sa tulong ng EDCOM upang matiyak na may punong-guro sa bawat pampublikong paaralan.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mahuhusay na punong-guro upang paghusayin ang performance ng ating mga guro at mga mag-aaral. Mahalagang matugunan natin ang kakulangan ng mga punong-guro sa ating mga paaralan, lalo na’t makakaapekto ito sa pagsisikap nating iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa,” ani Gatchalian, EDCOM II Co-Chairperson at Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Hinimok din ni Gatchalian ang National Educators Academy of the Philippines, ang professional development arm ng DepEd, na suportahan ang mga punong-guro sa pamamagitan ng mga training programs upang maging mas epektibo sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. 

Dagdag pa ng senador, kailangang repasuhin na rin ang isang polisiya noong 1992 kung saan mandato sa mga punong-guro na lumipat sa ibang paaralan matapos ang tatlo hanggang limang taon. Pinaliwanag ni Gatchalian na batay sa karanasan ng mga pampublikong paaralan sa Valenzuela, may mga science schools na kailangan ng mga punong-guro na may kasanayan sa math at science. Aniya, kailangang tugunan ng bagong polisiya ang tiyak na pangangailangan ng mga paaralan.

Photo credit: Jojo Rinoza/File Photo/Manila Bulletin


Discover more from CurrentPh

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Marcos Jr. Should Fire His Agriculture Secretary Before Import...

Francisco Tiu Laurel's reliance on food imports is becoming harder to defend as inflation accelerates, the peso weakens and Filipino farmers struggle to earn a fair return. Senator Kiko Pangilinan's warnings deserve more than another government investigation.

The Philippines’ Next President May Have to Reckon With...

For decades, Philippine presidential elections have been contests among familiar political families, their allies, and the shifting coalitions that sustain them. Political parties change...

Defunding Rail Maintenance: Keeping Today’s Trains Alive for Tomorrow’s...

One Metro Manila line still runs cars that first carried passengers in December 1999, nearly 27 years ago (DOTr, 1999). At rush hour, many...

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER!

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER! Mas madali at mas convenient na ang pagkuha ng bus tickets! Alamin kung paano gagawing mas mabilis at...

MC Taxi Riders Appeal to LTFRB amidst Overboarding Issue

MANILA, Philippines, October 22, 2026 — Motorcycle taxi riders are calling on the Marcos administration and transport regulatory bodies to provide those operating beyond...

Discover more from CurrentPh

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading