Mas maraming ‘4Ps students’ ang nakikinabang sa tertiary education subsidy – Senator Gatchalian

on

Ni: Nino Aclan

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) mula sa mga pamilyang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), kung saan higit sa 159,000 na bagong estudyante mula sa mga pamilyang ito ang nakakatanggap na ngayon ng tulong pinansyal para sa mga gastusin sa edukasyon.

Batay sa pagsusuri ng opisina ng senador sa datos mula sa Commission on Higher Education at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST), 21% lamang ng mga benepisyaryo ng TES noong school year (SY) 2022-2023 ang nagmula sa mga pamilyang mababa ang kita, o ‘yung mga kabilang sa 4Ps at Listahanan. Ang Listahanan ay isang sistema ng pamamahala ng impormasyon na tumutukoy sa mga mahihirap sa bansa at sa kanilang mga lokasyon.

Pitumpu’t siyam na porsyento ng mga benepisyaryo ng TES sa parehong school year ay mula sa mga lugar na walang state at local universities and colleges (SUCs at LUCs). Nang magsimula ang TES noong 2018, 71% ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga pamilyang mababa ang kita.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang pagbaba ng bilang ng mga benepisyaryo ng TES mula sa mahihirap na pamilya noong nakaraang taong budget deliberations sa Senado, at sinabi na ang trend na ito ay hindi tugma sa layunin ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931) na bigyang-prayoridad ang pinakamahirap na mga estudyante.

Upang baliktarin ang trend na ito, nagpasok si Gatchalian ng isang special provision sa pondo ng CHED noong 2024, na nag-aatas sa UniFAST na bigyang-prayoridad ang mga estudyante sa ilalim ng Listahan 2.0 at mula sa mga pamilyang mababa ang kita sa pagpili ng mga benepisyaryo ng TES. Ang espesyal na probisyon ni Gatchalian ay naglaan ng Php 3.1 bilyong TES grants para sa mga estudyante sa kolehiyo mula sa pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Ipinapakita ng datos mula sa CHED at UniFAST na mayroon nang 159,832 na bagong grantees mula sa mga pamilyang 4Ps. Ang porsyento ng mga benepisyaryo mula sa mga pamilyang 4Ps ay tumaas ng 27% noong SY 2023-2024 mula sa mas mababa sa 1% noong SY 2022-2023. Para sa SY 2023-2024, ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng TES mula sa 4Ps at Listahanan ay 210,202.

“Nais nating siguruhin na mapupunta sa mga pinakamahirap nating constituents ang subsidiya at sila muna ang mabibigyan ng prayoridad. Ito ay isang hakbang na isinakatuparan natin noong nakaraang talakayan sa pondo. Nagpapasalamat ako sa Komisyon at sa UniFAST board sa pagtugon sa ating kahilingan,” ani Gatchalian.

Kinumpirma ni CHED Chairperson Prospero De Vera III na binago ng UniFAST board ang patakaran sa pagpili ng mga benepisyaryo ng TES dahil sa interbensyon ng Kongreso.


Discover more from Current Ph

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING!

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING! From personal milestones to professional events, we bring your special moments and creative ideas to life through...

Installation of signages at G. Araneta corner N. Domingo,...

This project involves the supply, fabrication, and installation of warning signages at the intersection of G. Araneta Avenue and N. Domingo Street in San...

Riders Group calls for a more efficient and fair...

Riders Group calls for a more efficient and fair implementation on the Return of LGU-NCAP The Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG) welcomes the reimplementation of...

Shell Announces Mixed Fuel Adjustments: Gasoline and Kerosene Up,...

Starting Tuesday, drivers can expect mixed price adjustments at Shell fuel stations. Gasoline prices will rise by ₱1.90 per liter, while kerosene sees the...

Motorcycle Taxi Riders Organization (METRO) Position Statement On Non-Contact...

  Buo ang suporta ng METRO sa napipintong muling pagpapatupad ng Non-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga pangunahing lungsod at munisipalidad sa buong bansa! Bilang mga...

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading