Ni: Nino Aclan
MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya ni Erwin Espinosa.
Banta ni dela Rosa na baka suntukin niya ang mukha ni Espinosa sa sandaling makita ito dahil sa puro kasinungalingan niyang pinagsasbi laban sa senador.
Inamin ni dela Rosa na minsan niyang kinausap si Espinosa matapos ang pagdinig sa senado sa kanyang custodial center upang alamin ang umano’y panunuhol sa kanya ni Espenido maliban dito ay wala na silang pinag-usapan pang iba.
Nanindigan pa si dela Rosa na kailanman ay hindi siya nakipag-usap sa sinumang bilanggo para idiin ang isang tao sa isang krimen.
Hindi tuloy naitago ni dela Rosa ang kanyang rebelasyon na batid niyang sa kabila ng nakakulong si Espinosa ay tuloy pa din ang kanynag operasyon ng illegal na droga sa Alguera.
Bukod dito tahasan din sinabi ni dela Rosa na kahit pa napawalang sala siya sa kaso niya ay hindi maitatagong isa siyang drug lord.
Tiniyak din ni dela Rosa na sa kabila ng ilang beses nang nakaladkad ang kanyang pangalan sa QuadCom hearing ay kailanman ay hindi siya dadalo sa pagdinig nito.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
