Ni: Nino Aclan
INAAYOS na ng Migrant Workers Office MWO-Beirut ang repatriation ng karagdagang 63 Overseas Filipino Worker (OFW’s) na may kumpletong dokumentasyon at clearance para makaalis na sa Lebanon.
Ito ay matapos ang pansamantalang suspensiyon sa operasyon ng ilang opisina sa Beirut dahil sa mga pagsabog kamakailan, mahigit 100 OFWs ang naghihintay ng clearance mula sa immigration authority, bago maitakda ang kanilang repatriation.
Kinumpirma din ng DMW na mayroon nang 430 OFWs at 28 dependents ang na-repatriate sa pamamagitan ng joint efforts ng DFA, DMW, at OWWA.
Mayroon ding contingency plan ang pamahalaan upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFW sa Lebanon.
Kaugnay nito maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA ay nagtutulungan na para para matiyak na ligtas ang pagpapauwi sa mga OFWs na naiipit sa tumitinding tensyon sa Lebanon.
Sa report ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut, kamakailan ay nagkaroon ng pambobomba noong weekend sa Dahieh, malapit sa MWO, kung saan nanatili ang 63 OFWs.
Ang mga naturang OFWs ay ligtas lahat na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery, sa Lebanon para sa pansamantalang tirahan matapos ang mga pag atake sa lugar.
Ayon sa DMW mayroon ding 16 na OFW na pansamantalang naninirahan sa inuupahang pasilidad sa Beit Mery upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.
Dagdag pa ng DMW ang patuloy na pagkansela ng mga outbound flight ay dahil sa mga pagsabog sa Beirut dahilan para maantala ang repatriation ng 15 OFW na nakatakdang umalis sa Lebanon noong Setyembre 25
Photo credit: http://www.policeprofile.net
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
