Ni: Nino Aclan
PERSONAL na namigay ngayon ng relief goods si Supremo Sen. Lito Lapid sa mga residenteng binaha dulot ng bagyong Carina sa Brgy. 49 at Brgy. 8 sa Caloocan City nitong Lunes, July 29.
Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na makatutulong ang relief goods upang maitawid ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.
Kasama ni Supremo si LPGMA party founding chairman Arnel Ty sa namahagi ng pagkain (bigas, noodles, kape at de lata) sa may 450 residente na lumubog ang bahay sa baha sa Caloocan.
Nagpasalamat naman kay Sen. Lapid at kay Cong. Arnel Ty ang mga benepisyaryo sa agarang ayuda sa kanila.
Maraming lugar sa Caloocan ang nakaranas ng matinding pagbaha at umabot nang lagpas tao sa ilang lugar sa kasagsagan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina na dahilan para ilikas ang maraming residente.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
