Ni: Nino AclanMAGSASAGAWA kahapon si Senador Lito Lapid ng AICS payout at relief mission para sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales na nawalan ng kabuhayan dahil sa fishing ban ng China sa Bajo de Masinloc noong June 15.
Si Lapid ang nakaisip na hatiran ng ayuda at family food packs ang mahigit sa 300 fishermen na apektado ng fishing ban.
Bukod sa relief goods, magaabot din ang Senador ng tig-3,000 pesos kada mangingisda para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng kaniyang inisyatiba, naglaan si Lapid ng P1-milyon para sa ayuda sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.
Base sa datos ng munisipyo, mahigit sa 3,000 mangingisda ang naapektuhan ng fishing ban sa buong Masinloc.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
