Ni: Nino Aclan
TULUYAN nang ipinagbabawal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos , Jr., ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ito ang isa sa mga inihayag ng Pangulo sa kanyang ikatlong State of The Nation Address (SONA) na umani ng palakpakan.
Magugunitang marami ng mga mambabatas Lalo na ang mga senador ang naunang nanawagan para sa tuluyang pag banned sa POGOs.
Sa SONA ng Pangulo ay kanyang inutusan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang agarang pagpapatupad nito.
Bukod dito inutos din ni Marcos sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa kanyang mga economics manager na simula Ngayon at sa mga susunod na araw ay hanapan ng kapalit na trabaho ang mga Filipinong mawawalan ng tabaho o sa mga isasarang POGOs.
Aminado si Marcos na sa desisyun ito ay tiyak na mareresolba ang pagtugon sa mga problem Lalo na sa kriminalidad subalit hindi namang Inaasahang lahat ay kanyang mareslba ng dahil dito.
“Let us always fight for right and good. Let us always love the Philippines, let us always love Filipinos,” ani Marcos.
Ilan sa mga krimeng nauugnay sa POGOs ay ang human trafficking, kidnapping at money laundering.
Ang POGOs ang nagpataas ng halaga o presyo ng mga real estate na sa huli ay hindi na nakakayanin ng mga kababayan natin.
Isa din sa panawagan para sa I-banned ang POGOs ay dahil sa usapin ng National Security.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
