Ni: Nino Aclan
KINOKONDENA ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang karumal-dumal na pagpatay sa aking kabalen na beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang fiance’ na Israeli.
Nalulungkot si Lapid bilang kanyang kababayan sa Pampanga ang biktimang beauty queenna dumanas ng marahas na kamatayn.
Ang pagdukot at pagpatay sa mag-partner ay walang puwang sa ating lipunan. Kung sinuman ang responsable sa krimeng ito ay karapat-dapat lamang na usigin sa korte at mapatawan ng karampatang parusa.
Umaasa si Lapid sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magtulungan para imbestigahan at kasuhan ang mga salarin.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Lapid kasunod ng pagsiwa ng hustisya para sa mga naging biktima.
“Nakikiramay po tayo sa mga naulila ng dalawang biktima at hangad natin ang agarang hustisya na makamit nila,” ani Lapid.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
