Binay naghain ng ethics complaint laban kay Cayetano, pero Cayetano tiwalang mababalewala lang ito…

on

Ni: Nino Aclan

NAGHAIN si Senadora Nancy Binay ng Ethics Complaint sa Senate Committee on Ethics laban kay Senador Alan Peter Cayetano kaugnay sa naganap insidente sa  pagdinig noong nakaraang linggo ng Senate Committee on Accounts ukol sa New Senate Building (NSB).
Batay sa labing limang pahinang inihaing reklamo ni Binay nakasaad dito ang naramdamang pambabastos at ginawang pagtrato sa kanya ni Cayetano noong siya ay dumalo sa nabanggit na pagdinig.
Halos maluha din si Binay ng siya ay makapanayam ng media matapos ang kanyang paghahain ng reklamo laban sa kanyang kapwa senador.
Samantala umaasa naman si Cayetano na mababalewala lamang ang reklamong inihain sa kanya ni Binay na lalo na’t hindi naman ito ang tunay na isyu kundi ang usapin ng NSB ang dapat na resolbahin.
Nanindigan din si Cayetano na kung karapatan ni Binay na maghain ng reklamo sa ethics committee ay mayroon din siyang karapatang maghain.
Aminado si Cayetano na kung naramdaman ni Binay na siya ay nabastos ay siya din bilang Chairman ng Committee ay nabastos din siya sa ginawang pananalita at hakbangin ni Binay sa pagdalo sa komite.
Sa huli ay pareho namang sumang-ayon ang dalawang senador na maari pa din naman silang magpatawaran sa isat-isa kung talagang makapag-uusap lamang sila ng mahinahon at maayos.
Ngunit sinabi ni Cayetano na kung nais makapag-usap ni Binay dapat ito ay kaharap ang lahat at sa publiko upang sa ganoon ay walang maisip ang taong bayan na mayroong tinatago sa naturang usapan.
Naninidigan din si Cayetano na wala siyang inaakusahang mayroong korupsyon at hindi niya target si Binay kundi nais lamang nilang maipaliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung bakit umabot sa 23 bilyong piso na ang nagagastos sa NSB.
Nanawagan din si Cayetano kaya Binay na kung nais nitong dumalo sa pagdinig at humingi ng ilang oras at minuto para magsalaita o magtanong ay kanyang papayagan.
Tinukoy din ni Cayetano na hindi na bago ang naganap na insidente sa pagitan nila ni Binay dahil noon pa man ay mayroon na ding katulad na pangyayarai.
 (PNA photo by Avito Dalan)

Discover more from CurrentPh

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Marcos Jr. Should Fire His Agriculture Secretary Before Import...

Francisco Tiu Laurel's reliance on food imports is becoming harder to defend as inflation accelerates, the peso weakens and Filipino farmers struggle to earn a fair return. Senator Kiko Pangilinan's warnings deserve more than another government investigation.

The Philippines’ Next President May Have to Reckon With...

For decades, Philippine presidential elections have been contests among familiar political families, their allies, and the shifting coalitions that sustain them. Political parties change...

Defunding Rail Maintenance: Keeping Today’s Trains Alive for Tomorrow’s...

One Metro Manila line still runs cars that first carried passengers in December 1999, nearly 27 years ago (DOTr, 1999). At rush hour, many...

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER!

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER! Mas madali at mas convenient na ang pagkuha ng bus tickets! Alamin kung paano gagawing mas mabilis at...

MC Taxi Riders Appeal to LTFRB amidst Overboarding Issue

MANILA, Philippines, October 22, 2026 — Motorcycle taxi riders are calling on the Marcos administration and transport regulatory bodies to provide those operating beyond...

Discover more from CurrentPh

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading