fbpx

Walang puwang ang karahasan sa rally: Komento sa naganap na karahasan sa rali ng Manibela

Bilang Secretary General ng isang transport Commuter group, sa ganang akin, walang maidudulot na bunga ang karahasang ginawa ng ilang myembro ng Manibela sa isang myembro ng media na nagcocober ng kanilang rally kahapon.

Sa katotohanan, dinepensahan pa ni Manibela President Mar Valbuena ang pagsuntok sa tyan ng kanilang kasama kay DZRH reporter Val Gonzales sa pagsasabing naudyukan silang gawin ang pananakit dahil sa maaanghang na salitang binitawan ni Gonzales. Nagkomento diumano si Gonzales na ang kanilang sinasagawang rally ay pahirap sa commuters.

Ibig bagang sabihin ni Valbuena, balat sibuyas ang kanyang mga kasamahan at sa salita pa lamang ng isang mamamayan ay titiklop na ang kanilang mga kamay at manlalaban?

Kung ganito, walang puwang sa isang talakayan pala itong si Valbuena o kahit sino man sa kanilang hanay. Kung karahasan naman pala ang gagawin nila, bakit pa sila magrarally? Eh, kung ako sa kanila, mananakit na lamang pala ako, bakit hindi na lang sila kumuha ng isang wrench at ipangpukpok sa ulo ng mga awtoridad?

Huwag na kayong magrally–mag rebolusyon na laang kayo kung utak pulbura lamang naman ang mga miyembro ninyo.

At bakit naman pagbubuntungan ninyo ng inyong galit ang isang hamak na reporter mula sa Tarlac? Kung bigo ang inyong mga hakbangin, iyan ay sampal sa inyong liderato. Kung palpak kayo at nagiging parusa sa mga mamamayan, hindi baga ang mas magandang gawin ay pagmuni-muniin ninyo ang inyong mga aksiyon kaysa isisisi sa isang mamamayan ang kapalpakang dulot ng inyong mga kilusin?

Walang puwang ang karahasan sa isang rally lalo’y higit nagmula ito sa hanay mismo ng mga nagrarally. Sa pagkakabatid ko, ang gumagawa kadalasan ng karahasan ay ang estado, hindi ang aktibista. Kabaliktaran ang ganap sa rally ng Manibela– ang mismong nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa polisiya o gawain ng estado ay siyang nag-astang pasista. Ganyan ba ang magiging asal ulol ng isang taong o grupo ng mga tao sa sandaling makamit nila ang tagumpay at magkaroon ng kapangyarihan? Nakakatakot pero kung ang naganap kahapon ay isang palatandaan, naku, nagagawi pala tayo sa kapahamakan kung pasistang asal mismo ang Manibela.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Filobserverhttp://filobserver.wordpress.com
FilObserver aims to be the top most in mind when it comes to Philippine and Asian news, culture, information and opinions.

Latest

video

Anong Ganap sa July 10?

Magandang araw, mga kababayan! Sa episode na ito ng Kape Plaza Miranda, aalamin natin ang mga importanteng kaganapan at balita sa darating na...
video

Oposisyon pa ba ang Liberal Party?

Oposisyon pa ba ang Liberal Party? Magandang araw, mga kababayan! Sa episode na ito ng Kape Plaza Miranda, tatalakayin natin kung ang Liberal Party ay...

The Dutertes’ Fat Political Dynastic Ambitions: A Threat to Philippine Democracy

The recent announcement that multiple members of the Duterte family plan to run for Senate in 2025 has sparked widespread criticism and highlighted the...

Celebrating the Freedom of Julian Assange: A Beacon for Global Democracy

Julian Assange, the controversial yet undeniably impactful founder of WikiLeaks, has been a pivotal figure in global transparency and democracy. His tireless efforts to...

CURRENT PH PROBE: Govt at fault for POGO proliferation

More than one year ago, former finance secretary and lawmaker Margarito Teves warned before a Congressional hearing on Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) cited...

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading