fbpx

Gobyerno lugi ng 432 bilyong piso Kung Maantala ang Manila Bay Reclamation

Filobserverhttp://filobserver.wordpress.com
FilObserver aims to be the top most in mind when it comes to Philippine and Asian news, culture, information and opinions.

Lugi na ng 432 bilyong piso ang pamahalaan kung patuloy na maantala ang Manila bay reclamation, ayon ito ay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa isinagawang hearing ngayon sa Kamara makaraang makipagpulong sa mga opisyales ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

“Malaki na ang nalulugi sa gobyerno dahil sa suspension. Ang estimate po namin within five years kasi karamihan diyan one-time transaction hindi ba? Umaabot po ng P432 billion at iyung lugi lalong-lalo na ang mga nakapagsimula na. Maganda ang kakayahan [ng mga proyekto] na makapagdag ng trabaho,” ayon kay Salceda sa isang ambush interview sa Kamara.

Nagtataka si Salceda bakit kailangang suspendihin ang mga nasabing proyekto samantalang sa ibang bansa, “standard practice” na diumano ito, lalo na sa mga modernong bansa. Inihalimbawa ni Salceda ang Tokyo sa Japan, at Hongkong sa China na patuloy na nagsasagawa ng kani-kanilang reclamation works.

“Reclamation is inevitable when developing large metropolitan cities bound by the sea, and Metro Manila is now the world’s most densely populated megacity. Reclamation is standard practice among the world’s largest and most successful cities. 20 percent of what used to be Tokyo Bay has been reclaimed to accommodate the growing needs of the Tokyo Metropolitan Area. 22 percent of the total land area of Singapore is reclaimed, with around one-third being devoted to the city-state’s world-famous socialized housing projects. 25 percent of Hong Kong’s developed land was reclaimed, and this land houses around 27% of Hong Kong’s population and 70% of its business activities,” dagdag pa ni Salceda.

“Reclamation projects offer immense economic opportunities, and hence, offer opportunities to expand fiscal space. Through the years, I have been a key proponent of using reclamation development rights as a revenue-generating measure,” he said.

Nitong Agosto, pinasuspindi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior ang mga reclamation works bilang tugon sa diumano’y pagtutol ng ilang grupo sa nasabing mga proyekto.

Nilinaw ng PRA lalo na ni Assistant General Manager (AGM) Atty. Joseph Literal na malaking maidudulot ng dagdag na lupa sa Metro Manila, lalo na sa syudad ng Pasay. Makakalikha ng kalahating milyong trabaho ang reclamation.

Pinawi din ni Literal ang mga agam-agam na magkakaroon ng matinding pagbaha sa Metro Manila sa sandaling maituloy ang mga proyekto. Sa kasaysayan, napawi ang baha sa Pasay dahil sa nagiging flood barrier ang reclaimed area ng Mall of Asia.

Wala pang naitatalang pagbaha sa Mall of Asia simula noong naitayo at nabuksan ito sa publiko noong 2006.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Socials

3,500FansLike
25FollowersFollow
287SubscribersSubscribe

Latest

Celiz and Baduy House Drama–Part of Destab?

Yesterday, there was a commotion caused by Jeffrey Celiz, who claimed to have defected from the New People's Army (NPA), and Lore Badoy, a...

IS-Maute Group claims Marawi bombing: How did they when Duterte already exterminated them?

If this is true, about Islamic Militants claiming responsibility behind the cowardly bombing of Mindanao State University (MSU), which killed eleven people and injured...

VP Sara Duterte to be impeached?

Speaker Martin Romualdez and his political allies deny allegations circulating that moves to impeach Vice President Sara Duterte are ongoing. House Majority Leader Jose...

Duterte’s Downfall: A Tragedy Orchestrated by His Associates

Witnessing the current state of former President Rodrigo Roa Duterte is nothing short of a lamentable spectacle. Let's face it – the once self-proclaimed...

Senator Leila De Lima Freed at last

After six long years in prison, former Senator Leila de Lima is now free to rebuild her life. Her freedom comes from a successful...
%d
Verified by MonsterInsights