Koko Pimentel bugbog sarado ni Duterte-Cusi

0
127

Hindi man aminin, pero bugbog sarado at malamang may hematoma sa mata tong si Senator Koko Pimentel. Pano ba naman, sinisisi siya at pinaratangang puppeteer mismo ng idol niyang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa pananaw ng marami, naudyukang maigi ni Energy secretary Alfonso Cusi ang pangulo at thru sheer political maneuverings, nagawa nilang tanggalin lahat ng miyembro ng Pimentel-Pacquiao faction sa pagiging opisyales ng Partido Demokratiko Pilipino-LABAN o PDP-Laban, ang pangunahing administration party. Technical ang ibinato ni Duterte kay Pimentel na top notcher pa naman. Dahil iilang buwan pa lamang naman sina Pacquiao at Pimentel sa kanilang mga puwesto, ito ang ginawang dahilan para talsikin sila at palitan ng mga bata ng Duterte-Cusi faction.

Mautak din si Digong dahil imbes na direktang suntuk, patalikod na tira ang ginawa nito kay Senator Manny Pacquiao Jr. Tuta lang daw ito at sunud-sunuran sa anumang utos ni Koko. Lalo tuloy nalubog są kumunoy ng pulitika ang 8th time world boxing champion at mas lalong na expose ang kahinaan nito sa pulitika. Worse, Pacquiao’s intellectual skills were even mocked and derided by the President, adding fuel to the prevailing public perception of Pacquiao’s unfitness as a Presidential candidate.

So, ano nang mangyayari sa PDP-Laban? Siguradong legal battle ang magaganap sa pagitan ng mga paksyon ng administration party na siyang hihina sa kapabilidad nitong magpanalo ng kani-kanilang mga manok come 2022 elections. Handa na sigurado sina Koko at Pacman na mag resback, pero ang masaklap, handa ba slang kalabanin mismo ang Pangulo na siyang me hawak pa rin ng pamahalaan.

Sa papayam kay Koko ni Philippine star news editor Marichu Villanueva, sinabi ng embattled senator na handa sila sa anumang kaganapang mangyayari sa General Assembly na ito kahapon, July 17. In fact, pinalutang pa ni Koko ang posibilidad nang pag-alis ng Pangulong Duterte sa PDP-Laban. Kailangan daw sundin ni Koko ang kanilang saligang batas na nagtatakda sa kanila nang pagsuporta sa sariling kandidato come 2022 elections. Obvious daw na winawarak ng mga outsiders sa pangunguna ni Cusi ang partido, at sayang ang mga panahong inilagak ng mga miyembro ng PDP-Laban para gawin o moldahin ito bilang issano legitimate political party.

Dahil talsik na sina Koko at Pacman, may gulugod ba silang labanan ang mga sangganong pulitiko tulad nina Cusi? Ano ang epekto nito sa halalan?

Una, lalakas ang Hugpong at maaaring maging tunay na rainbow coalition tulad noong kay de Venecia Jr. noong panahon ng halalang 2008. Si Sara Duterte ang utak at may pakana ng Hugpong para protektahan ang interes ng pamilyang Duterte di lang sa pulitika kunghindi maging sa pangangalakal.

Ikalawa, babaha ng pera sa halalan. Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing bubuhusan nya ng pera ang mga taga PDP-Laban para manalo ang manok nito. Sigurado nang hahatakin ng Hugpong ang PDP-Laban at unti-unti na itong mawawalan ng Kalayaan. Ang tanong na lang ay— lahat kaya ng miyembro ay papayag na pasailalim sa Hugpong na siyang arch enemy ng PDP-Laban noong 2019 elections?

What is certain is that all of these six political parties will be jockeying up for the slice of the enormous and possibly billion peso campaign kitty promised by no less than President Duterte. Magiging problem at tiyak na magsasasaksakan sa likod mismo ang mga miyembro ng Hugpong lalo na sa senatorial slate.

Pano ba naman at this early, mayroon nang mga manok sa senatorial elections si Digong mismo. Naririyan ang kanyang mga kabinete na sina DOTR secretary Art Tugade, Labor secretary Silvestre Bello, DPWH secretary Mark Villar, Cabsec Karlo Nograles, DILG secretary Eduardo Ano at dalawang iba pa. Sa hugpong, naririyang nangangatok sa pintuan ng mga Duterte ang magkapatid na sina Jinggoy at JV Ejercito. Pano pa ang mga manok ng Nacionalista Party na bitbit ni Senator Cynthia Villar at mga Marcoses at itong National Unity Party ni Ronnie Puno.

Alam naman ng mga ito na masikip Ngayon ang senatorial race at tanging ang vice presidential post lamang ang parang halos walang ningning ang labanan. Dahil di naman tatakbo si Senator Grace Poe sa halalan, maaaring banggaan nina Senate president Vicente “Tito” Sotto jr ito laban maaari kay Senator Bong Go o Senator Antonio Trillanes IV.

Kaya very interesting itong labanang pulitikal come 2022. Kailangan nating makialam dahil kinabukasan natin dito ang nakataya sa game na ito ng mga bigboys.

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.