Governor Suarez–nasan ang pondo ng mga health workers sa Quezon?

0
131

Palaisipan ngayon sa lalawigan ng Quezon kung saan napunta ang pondong inilaan ng Sangguniang Panlalawigan para sa pasweldo at mga pangangailangan ng mga health workers sa probinsya.

Ito’y naging matalinhaga ngayon makaraang matuklasan na naririyan at tumaas pa nga ang alokasyon ng lalawigan ng Quezon hindi lamang pasweldo sa mga health workers kundi maging sa lahat ng namamasukan ng regular at kontraktuwal sa nasabing probinsya.

Sa tala mismo sa badyet ng lalawigan sa Quezon province website, malinaw na gumastos ng mahitit 102 milyong piso ang lokal na pamahalaan sa personal services noong 2019 kumpara sa mahigit 88 milyong pistong gastos nito noong 2018. Bunga ng streamlining policy ng pamahalaan, ipinanukala sa 2020 budget na nararapat gumastos ang lalawigan ng 75.5 milyong piso para sa personal services.

Sa deliberasyon ng 2021 badget, natuklasan ni Bokal Sonny Ubana, majority floor leader ng Sangguniang Panlalawigan na tinagpas ni Quezon governor Danny Suarez ang badget para sa mga hospital ng mahigit 20 porsiyento liban sa dalawang ospital na diumano’y pag-aari ng diumano’y kaalyado nito sa pulitika. Ito’y sa kabila ng mismong deklarasyon ng gubernador na pagtutuunan ng pansin ng Quezon ang paghatid serbisyo sa mga mamamayan para agadan ang paglala ng COVID-19 infection sa lalawigan.

Ayon kay Ubana, hindi ito ang naging tuon ng badget ng lalawigan. Bagkus, naraming items sa badyet ang inilaan para sa pagpapagawa ng mga kalsada, Daan at basketball courts na di tugma sa pangangailangan ng mga taga-Quezon.

Dahil nga sa binusisi ng Sanggunian ang badget ni Governor Suarez, natuklasan din na mayroong 200-300 milyong pisong kwestyonableng mga budgetary items na hindi malinaw kung saan pupunta. Aniya Ubana,ipinagbabawal ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) sapagkat kailangang malinaw ang pagkakagastusan ng lalawigan at kailangang sapat ang impormasyon nito kung saan mapapasakamay ang badget.

Dagdag pa ni Ubana sa panayam sa kanya sa Dos por Dos sa DZRH, walang naiba sa pagkakagastusan ngayon sa lalawigan sa ilalim ng tinatawag na re-enacted budget. Tuloy tuloy dapat ang pasweldo sa mga empleyado ng kapitolyo, lalo na ang mga frontliners tulad ng mga health workers.

Kailangan umanong tanungin ngayon sa ama ng lalawigan— nasasaan ang pondong inilaan para sa mga pangangailangan ng mga health workers, sa kanilang sweldo at mga personal protective equipment o PPE’s na sayang pinaglaanan na ng pondo noon pang 2020?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.