Dagdag kita sa 1,200 indibiwal dahil sa pagtatanim ng “cacao” na pangunahing pananim sa sa patok na Tangerine dark chocolate, tablea at chocolate yema ng Four K Kakao Farm sa lalawigan ng Quezon.

“Nagsimula ito sa aking passion sa tsokolate hanggang sa makakilala ako ng agriculturist na eksperto dito. Nakita ko ang malaking potensiyal ng cacao farming bilang alternatibong source of income par sa aking constituents,” Sinabi ni Quezon 4th District Rep. Angelina “Helen” Tan, na layuning makilala ang Quezon sa produksiyon ng cacao. “Binibili ng Four K Kakao Farm ang mga ani ng ating cacao farmers para ating i-proseso.”

Ayon din kay Tan, tinaguriang Reyna ng Tsokolate sa Luzon na isa ring Doktor, na kanyang naging livelihood project ang “cacao farming” para sa kanyang constituents na nagsimula sa kanyang hilig sa tsokolate kung saan nagbibigay ng magandang kalusugan ang dark chocolates.

Sa ngayon ay patuloy ang pagpapalawak ng taniman ng Four K Kakao Farm upang habulin ang lumalaking pangangailangan sa produksyon ng raw materials.

Ginagawa ang Tangerine dark chocolate, tablea at chocolate yema ng mga magsasaka ng kakaw sa Quezon at mga kasapi ng Kakao Integrated Development for Livelihood and Transformation or KIDLAT, isang organisasyon ng marginalized farmers na inorganisa ni Tan.

Nitong nakalipas na Mayo 25 hanggang 31, ibinida ang mga produkto ng cacao farmers sa taunang “Kalakal Quezon” ng Department of Trade and industry (DTI) na ginanap sa SM City Lucena, Mall Atrium upang palakasin rin ang pagsasaka ng cacao sa Calabarzon, lalo na sa Quezon.

Layunin ng programa ng DTI na isulong ang promosyon ng lokal na mga produkto ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Quezon sa ilalim ng temang “Support Lokal, Shop at Kalakal.”

Pinamunuan nina Agriculture Sec. William Dar at DA Region 4A Director Arnel de Mesa ang inagurasyon ng Department of Agriculture (DA) sa cacao facility na isinulong ni Tan sa Gumaca, Quezon noong Nobyembre 30, 2020.

“Patuloy kayong magsumikap at ‘wag mawalan ng pag-asa dahil ang pagkakaroon ng pag-asa ay makakatulong upang umahon ang sektor ng agrikultura at ang bansa; magsilbi nawa kayong mga haligi sa pag-unlad ng bansa,” dagdag ni Dar.

Sinabi ni DA Sec. Dar na ipagpatuloy ng mga taga-Quezon ang pagsusumikap at huwag mawalan ng pag-asa dahil ito ang makakatulong upang makaahon ang sektor ng agrikultura at ang bansa; at sana raw ay magsilbing haligi sa pag-unlad ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.