Sa pamamagitan ng panukalang batas ni Rep. Angelina ‘Helen’ D.L. Tan, malapit nang magbukas ang School of Medicine sa SLSU Lucban Campus.

Lusot na sa mababang kapulungan ang panukala niyang batas upang mabigyang edukasyon ang mga kabataan na nais na mag-aral ng kursong medisina.

Sa susunod na taon (2022) ay magbubukas ang departamentong ito sa Southern Luzon State University Lucban Campus.

“Naaprubahan na po sa third reading itong aking panukala, senado na lang po at sure na sure na ito na next year August 2022 ay magbubukas na ang kursong pag-aaral ng doktor sa SLSU Lucban”, ayon kay Rep. Tan.

Full scholarship ang ibibigay niya sa mga nangangailangan katulad na lamang ng mga libreng tuition, uniform, libro, board and lodging, pagkain at may insurance pa.

Idinagdag din niya na ang pagtatayo ng kursong medisina sa Unibersidad ay para matugunan din ang kakulangan ng mga Doktor sa ating bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.