Congw. Doktora Helen Tan Nanawagan ng Dagdag na Bakuna Laban sa COVID-19 para sa Lalawigan ng Quezon

0
184

Malapit ang Lalawigan ng Quezon sa NCR Plus Bubble kaya naman mataas ang dami ng kaso sa kanilang lalawigan.

Dahil sa panganib na banta ng COVID-19 sa ating mga kababayan, humiling ng dagdag na bakuna kontra COVID-19 si Congw. Doktora Helen Tan para sa ating mga kababayan.

Hiniling din niya sa Department of Health (DOH) na madaliin ang Delivery ng Bakuna ng COVID-19 para sa kanilang lugar dahil isa ang kanilang lalawigan sa pinagdadalhan ng mga COVID-19 patients mula sa NCR Plus Bubble.

Malaking banta sa kanilang mga kababayan sa Lalawigan ng Quezon ang COVID-19 kaya naman ang mabilis na pagdating ng bakuna kontra COVID-19 ay magiging malaking tulong para sa kanila.

Kinausap naman niya ang Food and Drug Administration at Department of Health patungkol sa maseselang isyu sa mga Gamot.

Sa panayam kay Congreswoman ukol sa Ivermectin bilang gamot sa COVID-19, nabanggit niya na kanyang kinausap ang FDA at DOH upang linawin at maging mahigpit sa pagpapatupad ng polisiya upang hindi magkaroon ng kalituhan ang ating mga kababayan.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.