“KNOW YOUR NORTH”, PAGKILALA SA ILOCOS SUR

0
1129

Ang Pilipinas ay kilala sa natatanging pinagkukunan ng likas na yaman. Maraming mga turista ang dumadayo dito upang makita ang kagandahang natural ng Pilipinas.

Sinong mag-aakala na mayroong iba’t-ibang kultura, pinagmulan, sining at pati na iba’t ibang uri ng tao especially na sa parteng Norte nito.

Karamihan sa kultura sa Norte ay patuloy na sinusunod ng mga tao dito. Hindi nagbabago ang kanilang pananaw sa lahat ng mga bagay, haluan man ng modernisasyon ngunit nadoon pa rin ang kinagisnan na kultura.

Kung hindi ka pa nakakakawala sa norte, at gusto mong makita ang kamangha-manghang mga lugar dito, panoorin ang documentary series hatid ng Victory Liner, ito ay ang Know your North, directed by Gabby Malvar:

Isa sa pinakanagustuhan ko sa series ng Know your North ay ang season 7 sa  Ilocos Sur.  While watching the documentary, I felt the true essence of being a Filipino. Talaga nga namang maipagmamalaki ang mga pamanang ito.

Iba’t- ibang tourist spots ang makikita rito katulad na lamang ng mga naglalakihang simbahan at nakakapanindig balahibo nitong mga disenyo na iniwang pamana sa atin ng ating mga ninuno ang makikita sa dokumentaryong ito. 

Isa na rin dito ang mga pagkaing dito mo lamang matitikman at makikita.

Sigurado ako na kung mapapanood mo ang documentary series ng Victory Liner na ito talagang idadagdag mo ito sa iyong bucket list. 

May kasabihan ngang, “Ang pagtangkilik ng sariling atin ay isa ring paraan ng pagmamahal sa bayan”. Bakit tayo tatangkilik ng iba kung maryoon naman tayong maipagmamalaki.

#KnowYourNorth #VictoryLiner #TatakVictory

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.