HPG nagsagawa ng surprise inspection at inventory sa mga impounded motorcycles sa MPD

0
724

Surprise inspection of motor vehicles of policemen and impounded units at MPD. (BCUARESMA/IAMIGO/Currentph.com)

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng Highway Patrol Group ang mga alagad ng batas sa Manila Police District kahapon nang magsagawa ito ng surprise inventory sa lahat ng mga nakumpiskang motorsiklo na nakalagak sa himpilan ng MPD.

Maliban sa HPG, nag-sagawa rin ng sorpresang pag-iinspection ang pinag sanib na pwersang PNP, IMEG, DID-at MPD Highway Patrol Group, pati na sa sa mga motorsiklo na personal na pag aari ng mga pulis upang matiyak kung mayroong mga kaukulang papeles at Driver’s License ang mga kapulisan.

Ginanap ang pag-iinspekction sa MPD Quadrangle sa pangunguna nina PLt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, Chief ng NPD-DID; at PCapt. Joel De Villena,  hepe ng MPD Highway Patrol Team.

Ang naturang inspection ay ayon sa direktiba ni bagong-upong PNP Chief, PLt. General Archie Gamboa upang matiyak na ang mga motorsiklo na pag-aari ng mga kapulisan ay may karampatang mga plaka o rehistro at hindi galing sa nakaw.

Sakaling galling sa nakaw o kulang sa dukomento, ito’y agarang kukumpiskahin.

Habang isinasagawa ang inspection, nanatiling nakamasid si MPD Director Brig. Genaral Bernabe Balba sa nasabing surprise inspection. (Kuha ni BENJAMIN CUARESMA/IAMIGO/Currentph.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.