Babala! Pekeng Currentph personnel gumagala at nangingikil ng pera

0
438

Isang malaking sting operation ang inihahanda laban sa isang babae na nagpapatanggap na tauhan ng Saga Impact Asia’s Currentph magazine.

Sa pakikipag-ugnayan ng Currentph.com managing director Ricky Rivera sa isang mataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP), inihahanda na ng kapulisan ang isang operasyon upang masabat itong pekeng tauhan diumano ng Currentph.com na gumagala gala sa mga kumpanya, peryahan at mga pulitiko, inilalako diumano nitong babaeng ito, kasama ang dalawang iba pa, na siya ay opisyal na taga Currentph.com at awtorisadong magbenta ng ads at PR articles sa nasabing news organization.

Nilinaw ni Rivera na hanggang ngayon tanging ang mga awtorisadong sales and advertising team lamang ng Saga Impact Asia ang may karapatang mag-alok ng advertising services sa mga organizasyon at indibidwal.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa industriya, ginagamit diumano ng babaeng ito ang Currentph.com para sa kanyang serbisyong PR. Sinabi ng source na gumagala diumano sa Metro Manila at  karatig probinsya ang babae kasapakat ang dalawa pa.

” Hindi namin hahayaang masira ang magandang reputasyon at pangalan ng Currentph.com at Current magazine. Kakarnehin namin at lalangawin sa basurahan ang sinumang gagamit sa https://currentph.com at Current magazine para sa kanilang illégal na gawain. 

” Ipinakalat ko na ang mga espesyal na tao ko sa Bulakan at Pampanga para mahuli itong babaeing ito na mayroon palano rekord na ng estafa sa iba’t-ibang naguyo noyant publikasyon.

” Patuloy ang aming imbestigasyon. Kung mayroong mga indibidwal na nabiktima na nitong babaeng ito kasapakat ang dalawa pa, ipagbigay alam lamang sa pinakamalapit na CIDG office o kaya direkta sa amin dito sa Currentph.com o tumawag sa telepono bilang (02) 85830954 o kaya sa handphone 09175395320. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.