Tinabla ng Regional Trial Court sa Bulacan ang hinihinging danyos ng PrimeWater laban sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte kaugnay ng planong interbensyon ng lungsod sa operasyon ng water services.
Ayon sa korte, mas mahalagang tugunan ang matagal nang problema sa suplay at serbisyo ng tubig na nararanasan ng mga residente kaysa sa sinasabing pagkalugi ng kumpanya. Lumabas din sa isinagawang audit ng city government ang umano’y kapabayaan sa ilang water treatment plants at septage facilities, kabilang ang hindi maayos na chemical storage at kakulangan sa safety measures.
Patuloy na isasagawa ng lokal na pamahalaan ang mga kinakailangang hakbang upang mapabuti at mapalakas ang serbisyo ng tubig sa lungsod.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
