Hindi Peoples’ Power ang Nangyayari sa Davao Ngayon!

on

Ang PEOPLES’ POWER ay karapatan ng mga mamayan na umalsa laban sa isang gobyernong hindi na tumutugon sa kanilang interes. Sa pilosopiyang pampolitika, ang karapatan sa rebolusyon (o karapatan sa pag-aalsa) ay ang karapatan o tungkulin ng mga tao na “baguhin o buwagin” ang isang pamahalaan na kumikilos laban sa kanilang karaniwang interes o nagbabanta sa kaligtasan ng bayan nang walang makatarungang dahilan.

Pero kung ang isang pagaalsa ay para lang protektahan ang interes ng isang tao o isa o iilang pamilya ay malayong dapat ituring na lehitimong pagsasagawa ng karapatan ng mamayan sa pag-alsa ito.

Ganito ang nangyayari ngayon sa Davao City.

Nagprotesta ang mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa labas ng kanilang compound, na nauwi sa tensyon sa pagitan nila at ng mga pulis. Nagsimula nang mapayapa ang kilos-protesta ngunit lumala nang harangan ng mga nagpoprotesta ang diversion road patungong Davao Airport, na nagdulot ng matinding trapiko.

Nagsimula ang kaguluhan nang subukang iligtas ng mga pulis ang mga umano’y biktima ng human trafficking sa loob ng KOJC compound. Tumutol ang mga tagasunod ni Quiboloy, na nagresulta sa sagupaan sa pagitan nila at ng mga awtoridad. Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na iwasan ang karahasan at igalang ang batas. Samantala, hinikayat ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Quiboloy na sumuko, sa pagsasabing, “Hindi ka maaaring magtago habangbuhay.” Patuloy na nagiging alanganin ang sitwasyon sa lungsod.

Si Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, ay nahaharap sa mga seryosong kaso kabilang ang human trafficking, kasong sexual exploitation, at paglabag sa mga batas ng Estados Unidos kaugnay ng money laundering at wire fraud. Ang mga paratang na ito ang naging batayan ng mga subpoena at warrant of arrest laban sa kanya, at patuloy siyang hinahanap ng mga awtoridad sa iba’t ibang bansa.

Hindi ‘People Power’ ang nangyayari sa Davao. Gusto niyo bang makakita ng tunay na ‘People Power’ ngayon? Dapat iyon ay magpaalis ng tuluyan sa parehong “puwersa ng kadiliman at puwersa ng kasamaan”. Ganito lang ang nangyayari sa Davao City ngayon. Paglalaban ng puwersa ng kadiliman sa puwersa ng kasamaan. Hindi ito laban ng boung sambayanan.

Ang pagtatanggol sa isang umano’y sexual abuser at human trafficker ay HINDI ‘PEOPLE POWER’! Hindi ito dapat sinusuportahan! Isa itong insulto sa tunay na kahulugan ng ‘People Power’!


Discover more from CurrentPh

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Roy Cabonegrohttp://currentph.com
Roy Cabonegro is President of the Makakalikasan - Nature Party Philipppine an emerging national green political party. He is also Publishing Manager of Impacts Publishing and acting as Editor in Chief of its http://www.currentph.com online publication.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Marcos Jr. Should Fire His Agriculture Secretary Before Import...

Francisco Tiu Laurel's reliance on food imports is becoming harder to defend as inflation accelerates, the peso weakens and Filipino farmers struggle to earn a fair return. Senator Kiko Pangilinan's warnings deserve more than another government investigation.

The Philippines’ Next President May Have to Reckon With...

For decades, Philippine presidential elections have been contests among familiar political families, their allies, and the shifting coalitions that sustain them. Political parties change...

Defunding Rail Maintenance: Keeping Today’s Trains Alive for Tomorrow’s...

One Metro Manila line still runs cars that first carried passengers in December 1999, nearly 27 years ago (DOTr, 1999). At rush hour, many...

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER!

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER! Mas madali at mas convenient na ang pagkuha ng bus tickets! Alamin kung paano gagawing mas mabilis at...

MC Taxi Riders Appeal to LTFRB amidst Overboarding Issue

MANILA, Philippines, October 22, 2026 — Motorcycle taxi riders are calling on the Marcos administration and transport regulatory bodies to provide those operating beyond...

Discover more from CurrentPh

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading