Senador suportado ang pagpapalawig ng termino barangay officials

on

Ni Nino Aclan

SUPORTADO ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino  ang panukalang palawigin o dagdag an ang taon ang termino ng isang elected Barangay officials.

Ang pahayag na ito ay ginawang ni Tolentino sa kanyang pagdalo sa 2024 national congress ng Liga ng mga Barangay sa Pilipina na may temang Powering Up.

Ayon kay Tolentino kulang na kulang ang tatlong taon na paglilingkod ng isang Barangay elected officials upang maisakatuparan niya ang kanyang mga programa sa kanyang nasasakupan. 

Nais ni Tolentino na tulad ng isang Pangulo ng bansa ay dapat na anim na taon ang isang termino ng isang elected Barangay officials. 

Dahil dito aniya ay higit na maayos niyang mapagseserbisyuhan ang kanyang mga nasasakupan. 

Bukod dito sinabi ni Tolentino na tatalunin pa niya ang isang Mayor sa kanyang taun ng termino.

Maliban pa sa maiiwasan na din ang pagkontrol sa mga elected Barangay captain ng mga lokal na opisyal sa tuwing sasapit ang local elections. 

Kaugnay pa nito tinukoy ni Tolentino na maghahain din siya sa Senado ng panukalang magpapalawig sa termino ng mga kapitan. 

Tinukoy ni Tolentino na kanya ding isasama sa kanyang panukala ang direktang pagbaba at pakikipag-ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga kapitan upang higit na matukoy ang higit na pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. 

Kabilang sa ahensya ng pamahalaan na tinukoy ni Tolentino ay ang Department of Public Works and Highways upang sa Ganon ay hindi magulat ang mga kapitan na mayroong na lamang darating na imburnal sa kanila o may magaganap na kontruksyon, Department of Health (DOH) para higit na maipagkaloob serbisyo at pangangailangan sa kalusugan ng mga bawat mamamayan ng barangay, Department of Agriculture and Bureau of Fisheries para naman sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda, Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tulong na kailangan ng mga mamamayan at iba pang ahensya ng pamahalaan. 

Naniniwala din si Tolentino na sa panukalang ito ay tiyak na mababawasan din ang korupsyon sa bansa.

 


Discover more from CurrentPh

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Early School Hours, Excessive Screen Time Threaten Children’s Health,...

QUEZON CITY, Philippines— Raising healthy children requires more than proper nutrition and good genes, as family relationships, daily routines, cultural practices, and living conditions...

ULAP, WHO, DOH, PHILHEALTH Unite to Accelerate Universal Health...

The Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) have...

Move It’s 147,000 Active Riders Reported to Congress Clash...

Motorcycle taxi operator faces questions over rider population figures as regulators find more than 55,000 riders exceeding its authorized allocation.

Marcos Jr. Should Fire His Agriculture Secretary Before Import...

Francisco Tiu Laurel's reliance on food imports is becoming harder to defend as inflation accelerates, the peso weakens and Filipino farmers struggle to earn a fair return. Senator Kiko Pangilinan's warnings deserve more than another government investigation.

The Philippines’ Next President May Have to Reckon With...

For decades, Philippine presidential elections have been contests among familiar political families, their allies, and the shifting coalitions that sustain them. Political parties change...

Discover more from CurrentPh

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading