Hindi kami nagkulang at nagpabaya sa mga atletang pinoy— NGAP SecGen Floro II…

on

Ni Nino Aclan

HINDI kami nagkulang at nagpabaya sa mga atletang Pinoy.

Ito ang tahasang sinabi ni National Golf Association of the Philippines  (NGAP) Secretary General Valeriano “Bones” Floro II sa kanyang pagalo sa lingguhang The Agenda Forum sa Club Filipino. 

Ayon Floro lubhang nagtataka siya sa mga naglalabasang mga isyu at batikos laban sa kanya gayung tinutukan naman niya ang lahat ng mga atletang Filipino simula lumabas ng bansa patungo sa lugar ng kumpetsiyon at tiniyak na lahat ng kakailangan ay kanilang makukuha. 

IPinagtataka din ni Floro ang mga post na ipinalabas ni Dottie Ardina na kung saan ay maayos naman ang kanilang pagsasampa at wala siang naglalamang tampuhan o away sa pagitan nila. 

Bilang patunay tinukoy ni Floro na sila nga ay nakatira ni Ardina sa iisang bahay at sinabihan pa niya itong handa siang bumili ng bagong kasuutan o damit na panglaro kung hindi niya nagustuhan o kasya ang damit na panglaro na kanyang suot nguni’t Tumanggi ito. 

Magugunitang nagkaroon ng aberya sa Customs ang mga kasuotang panglaro ng MG atletang Pinoy sa kabilang ng ginawa ang lahat ng NGAP upang resolbahin ito. 

Wala ding nakikitang dahilan si Floro na akusahan silang ipinahiya nila ang mga atletang Pinoy at magbtiiw siya sa pwesto lalo na’t sinikap nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi maapektuhan ang pag-iisip ng mga atleta sa kanilang kumpetisyon. 

Amimado si Floro na hindi lahat ay perpekto at kung mayroong silang pagkukulang ay humihingi sila ng tawad sa mga atleta at sambayanang Filipino. 

Nguni’t kailan man ay hindi nila tinalikuran nag kanilang tungkulin sa lahat ng mga atleta sa pagtitiyak na makuha nila ang kanilang mga pangangailangan mula sa training hanggang sa kumpetisyon. 

Ipinagmamalaki din  Floro na lubusan ding nagpapasalamat sa kanya hindi lamang ang pamilya ni Ardina kundi ang pamilya ni Bianca Pagdanganan dahil sa asikasong ibinigay sa mga nabanggit na atleta. 

Tulad ng naunang ginawa ni Floro handa siang makipag-usap kina Ardina at Pagdanganan upang ang lahat ay maging maliwanag. 

Isa pang patunay ni Floro na maayos ang kanilang relasyon ni Ardina ay ipinadala pa nga sa kanya nito ang kanyang travel document para sa liquidation sa kanilang pondo. 

Nanawagan si Floro sa lahat lalo na sa mga taong gusto ng sirain ang kaisipan ng ating mga atleta na imbes na negatibo at paninira ang kanilang ibato ay mas mabuti pang tumulong na lamang sila lalo pang mapaganda at mapaunlad ang kalinangan ng ating mga kababayan hindi lamang ng atleta sa larangan ng golf. 

Nais din kasi ni Floro na mabura sa isipan ng marami na ang larong golf ay hindi lamang para sa mga mamamayan o may pera kundi sa lahat ng Filipino ng may talento dito na kailangan lamang ang suporta at Tiwala upang sila ang kumatawan ng sa bansa at mag-uwi ng karangalan. 

Handa din si Floro na sagutin at harapin ang lahat ng nag-aakusa laban sa kanya lalo na’t sa hindi Alam ang mga tunay na pangyayari


Discover more from Current PH

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

PNP UMABUSO SA PANANAKIT SA AMING KASAMAHANG PHOTOG BULLET...

https://www.youtube.com/watch?v=GwQEH-FD2ug🇵🇭 Currentph News TV — Real News. Real Talk. Real Impact. Welcome to Currentph TV, the digital news and public affairs channel built for the...
video

SONA 2026: Marcos, China, US Alliance and the Philippines’...

https://youtu.be/p3zyjwm2oHM SONA 2026: Marcos, China, US Alliance and the Philippines' Next Direction As President Ferdinand Marcos Jr. prepares to deliver his 2026 State of the Nation...
video

Marcos 2028 Legacy: Economy, Corruption and West Philippine Sea...

https://youtu.be/1e0md4a2e0I Marcos 2028 Legacy: Economy, Corruption and West Philippine Sea Challenges As the Marcos administration moves closer to its final years in office, attention is turning...
video

SONA 2026: Marcos Faces Trust Drop, Flood Scandal and...

https://youtu.be/h49wdASICyU SONA 2026: Marcos Faces Trust Drop, Flood Scandal and Reform Pressure Today With President Ferdinand Marcos Jr.'s 2026 State of the Nation Address approaching, public...
video

SONA 2026 Raises Questions on Debt, Jobs, and Marcos’...

https://youtu.be/cEv77Q5dJNs SONA 2026 Raises Questions on Debt, Jobs, and Marcos' Remaining Two Years As President Ferdinand Marcos Jr. prepares for SONA 2026, the discussion shifts beyond...

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading