Ni: Nino Aclan
AGAD nagpa-abot ng pagbati ang mga senador sa nasgukit na gintong medalya ni Carlos Yulo sa floor exercises sa gymnastics Kaugnay sa 2024 Olympics.
Ilan sa mga nagpahatid ng pagbati at papuri ay sina Senador Nancy Binay, Senador Robin Padilla at Senador Win Gatchalian.
Ayon sa mga senador isang malaking karangalan para sa bansang Pilipinas ang nauwing tagumpay na ito ni Yulo.
Umaasa naman ang mga senador na hindi ito ang medalyang makakamit pa ng Pilipinas bagkus ay madaragdagan pa.
Tinukoy pa ng mga senador na magandang modelo at ehemplo si Yulo para sa mga kabataan Filipino lalo ang mga mahihilig sa sektor ng pampalakasan.
Naniniwala din ang mga senador na isang malaking inspirasyon para sa lahat ang nakamit na tagumpay ni Yulo.
Sa kasalukuyang tangling si Yulo pa lamang ang nakakakuha ng gintong medalya sa mga manlalarong kinatawan ng Pilipinas sa 2024 Olympics.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
