DPWH NCR Regional Director pabida sa kasagsagan ng Super typhoon Carina

on

Paging Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior–sino itong DPWH Regional Director na imbes na magtrabaho para man lamang maibsan ang masamang karanasan ng ating mga kababayan sa kasagsagan ng super typhoon Carina kahapon, ay pumapel at nagkalat ng false news. 

O naghahanap lamang ng masisisi itong si RD dahil sa kapalpakan ng mga drainage systems na dapat sanang ginagawan nya ng solusyon? 

Bonget, sampulan mo nga kaya itong si DPWH NCR regional director Lorena Malaluan? Wala ito sa tono nang kapanayamin ng mga media kahapon tungkol sa sobrang pagbaha sa kanyang teritoryo, ang National Capital Region (NCR).

Inamin na nga ng MMDA na pumalya ang 71 pumping stations ng pamahalaan sa iba’t-ibang bahagi ng kamaynilaan kaya nagkaroon ng flash flooding o pagbaha.

Sinabi na nga ng PAGASA na 71 millimeters per hour volume ng tubig ulan ang tumama sa ating bansa kahapon. Kaya lamang ng ating mga pumping stations ay 30 millimeters per hour volume. Daragdagan na ng pamahalaan ang mga pumping stations at habang hindi pa naisasagawa ang mga pumping stations sa Kamaynilaan, asahan natin ang mga ganitong sitwasyon.

Sampung oras din ang itinagal ng pag-ulan na pinalala pa ng sampung oras na tuloy-tuloy na pagragasa ng bagyo. Nangako naman ang MMDA pati na rin ang DPWH at DILG na hindi na magtatagal at maiibsan din ang flash flooding sa kamaynilaan.

Natanong kasi itong si Malaluan kahapon bakit may pagbahang naganap sa harap ng Senate building sa Pasay City. Agad agad na sinisi ni Malaluan ang nagaganap na reclamation projects sa Manila bay.

Nang mag inspeksyon mismo ang mga tauhan ni Malaluan na DPWH Engineering team na nakabase sa Pasay, natuklasan nilang barado ng tone-toneladang basura at langis ang mga drainage systems. Kaya naman nang tuluyan na nilang nalinis ang mga drainage systems, agad ring humupa at nawala ang baha sa Pasay.

Pinapuntahan ko po sa ating news team ang nasabing lugar at napag-alaman naming dakong alas-kuwatro ng hapon, tuluyan nang nawala ang baha. Heto, ha Engineer Malaluan ang ebidensya:

Dapat tularan ni Engineer Malaluan itong si Executive director ng Project NOAH na si Mahar Lagmay na nang tanungin kung naniniwala siyang reclamation ang dahilan sa pagbaha sa Pasay, agad nagsabing mahirap magbigay ng pananaw sa isang bagay na wala namang pag-aaral at ebidensya.

Engineer, hindi ka nakakatulong para pahupain ang nararamdaman ng mga mamamayan. Ang tanong– ano kaya ang dahilan o nagbunsod dito kay Engineer Malaluan na magbigay ng ganyang kawalang basehang obserbasyon.

Abangan!

 


Discover more from CurrentPh

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Avatar photo
Filobserverhttp://filobserver.wordpress.com
FilObserver aims to be the top most in mind when it comes to Philippine and Asian news, culture, information and opinions.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Marcos Jr. Should Fire His Agriculture Secretary Before Import...

Francisco Tiu Laurel's reliance on food imports is becoming harder to defend as inflation accelerates, the peso weakens and Filipino farmers struggle to earn a fair return. Senator Kiko Pangilinan's warnings deserve more than another government investigation.

The Philippines’ Next President May Have to Reckon With...

For decades, Philippine presidential elections have been contests among familiar political families, their allies, and the shifting coalitions that sustain them. Political parties change...

Defunding Rail Maintenance: Keeping Today’s Trains Alive for Tomorrow’s...

One Metro Manila line still runs cars that first carried passengers in December 1999, nearly 27 years ago (DOTr, 1999). At rush hour, many...

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER!

MAS PINABILIS NA ANG PAGBIYAHE SA VICTORY LINER! Mas madali at mas convenient na ang pagkuha ng bus tickets! Alamin kung paano gagawing mas mabilis at...

MC Taxi Riders Appeal to LTFRB amidst Overboarding Issue

MANILA, Philippines, October 22, 2026 — Motorcycle taxi riders are calling on the Marcos administration and transport regulatory bodies to provide those operating beyond...

Discover more from CurrentPh

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading