Guo ipapaaresto na ng senado…

on

Ni: Nino Aclan

NAIS na ni Senadora Rosa Hontiveros, Chairwoman ng Senate Committee on  Women, Children, Family Relations and Gender Equality  na naarestuhin na ng senado si suspended Bamban Mayor Alice Guo dahil sa patuloy na pag-isnab  nito sa imbestigasyon ng senado ukol sa kontrobersyal na uspain ng Philiipne Offshore Gaming Operation (POGO) na kung saan mayroon siyang kaugnayan at ganoon sa kaniyang pagkatao.

Ayon kay Hontiveros susulat na siya sa tanggapan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero upang magpalabas ng warrant of arrest laban kay Guo.

Bukod kay Guo na isa mga pina-contempt ng senado na dahilan para humiling sa pag-aresto nito ay sinete for contempt din sina Nancy Gamo, Dennis Cunanan, Wenyi Lin, Seimen L. Guo, Jian Zhong L. Guo, Sheila L. Guo at Wesley L. Guo dahil sa patuloy na pag-isnab din nila sa imbitasyon ng senado.

Hindi kasi umubra sa pinuno ng komite at mga miyembrong senador ang katwiran ng kampo ni Guo na kaya hindi ito nakakadalo sa pagdinig ay dahil sa kaniyang usaping pangkalusugan at ganoon ang pagkakaroon ng trauma.

Maliban sa pag-aresto ay padadalhan din ng subpoena ng komite sina Jaielyn S. Cruz, Roderick Paul B. Pujante, Juan Miguel Alpas, Katherine Cassandra Ong, Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna, Jonatan Mendoza, Ronelyn B. Baterna, Michael Bryce B. Mascarenas, Stephanie B. Mascarenas, Rodrigo A. Banda, Jing Gu, Xiang Tan, Daniel Salcedo, Jr., Chona A. Alejandre at Duanren Wu.

Bukod dito sinabi ni Hontiveros na kanya ding ipapatawag si dating Presidential Spokesperson Harry  Roque upang magpaliwanag matapos masangkot ang kanyang pangalan na may kaugnayan sa mga POGO’s companies.

Nais din busisiin ni Hontiveros ang pagkakaroon ng kaugnayan ng Pharmally group ukol sa mga POGO operation lalo na’t nabanggit ang pangalan ni Michael Yang na nauna nang nasangkot sa kontrobersya.

Aminado naman si Hontiveros na kailangan muna nilang mabusisi ng husto bago pa man tuluyang maiugnay ang pangalan  ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng POGO. 


Discover more from Current Ph

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Current News Daily Update | October 13, 2026

Current News Daily Update| October 13, 2026 HOUSE APPROVES P7.2-TRILLION 2027 NATIONAL BUDGET ON FINAL READING NBI PROBES DUTERTE-LINKED PROPERTIES HOUSE APPROVES SOCIAL MEDIA BAN FOR CHILDREN...

‘BUMILI NA KAYO NG BALDE PARA ‘PAG UMULAN, MAKOLEKTA...

Panawagan ni PBBM sa publiko, mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa epekto ng Super El Niño. Ayon sa Pangulo, magbibigay ang pamahalaan ng water...

CurrentPH News | Your Daily News Update

https://www.youtube.com/watch?v=w5zKztbbPEQ🇵🇭 Currentph News TV — Real News. Real Talk. Real Impact. Welcome to Currentph TV, the digital news and public affairs channel built for the...

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading