Isko Moreno latest Digong victim

0
411

Kuntodo tanggi si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi si Manila mayor Isko Moreno ang pinasaringan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling pampublikong pahayag. Anong akala nitong si Roque na tanga ang mga Pilipino? On the other hand, kung sa legal nga naman ang paguusapan, kulang pa ng limang distinguishing elements ang patutsada ni Digong para nga naman masabing si Moreno nga ang tinutukoy nitong mga tolongges, dahil tatlo laang naman ang binanggit ni Digong na katangian daw ng mayor na ito na kanyang tinutukoy: taga Metro Manila, magulo ang utak at dating may mga litratong iska brief lang. Hindi naman malaman bakit obsessed ang Pangulo sa pagbribrief lang ng mayor na ito. Inggit ba si Digong dahil “Dakota” Yung mayor at siya eh hindi? O baka frustrated actor tong si Digong at again, may dinadamdam tong angst laban sa mga matinee idols?

Ano ba ang mga sinabi ni Digong? Magulo daw ang handling of COVID-19 surge sa sang syudad sa Metro Manila. Naghihintay daw ng ayuda ang mga tao pero patuloy naman sa paglibot nitong si Mayor sa iba’t-ibang lugar para sa ambition daw nitong Pangulo. Totoo ba ito sa sitwasyon sa Manila?

Sa totoo, lahat halos naman ng syudad dito sa Metro Manila ay magulo. Tanging ang Makati lamang ang personal kong nakita na me kaayusan sa kanilang serbisyo sa bakuna. I think depende yan sa laki ng sakop na mamamayan ng pisang mayor. Kung lampas sang milyong Katao naman ang nasasakupan mo, may siguradong pagkakataon na media me gulo sa operasyon mo. Logistical kasi yan.

So, maaari ngang di si Moreno ang tinutukoy ni Digong. Besides, mismong ang DILG ang nagsabing efficient si Isko. Hindi ba naguusap sina Digong at Ano?

Ang nakapagbuko kay Digong ay iyong sabihin niyang naka-brief lang o naka bikini dati Yung mayor, bakit daw ipagkatiwala dito ang pamumuno. Meron bang koneksyon ang governance o pamumuno sa kalaswaan if ever nga kalaswaan ang makitang nakasuot ng bikini briefs. Ano ba ang kalaswaan? Ang manggipit ka ng mga negosyante at pumatay ng mga kaawa-awang drug addicts? Ang mambastos ng mga kababaihan at bakla?

Haist. Pulitika nga naman. Understandable naman, Kasi Digong is fighting for his life right now. He knows what’s in store for him the minute he leaves office. And I think even his close associates know and they are now finding ways on how to cushion the impact of a possible poll loss this 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.