Dr. Helen Tan’s Enhanced Nutribun sa Quezon nilunsad

0
732
Enhanced Nutribun in Dr. Helen Tan inilunsad sa Quezon

Kaugnay ng panawagan ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government sa lahat ng pamahalaang lokal sa bansa na i-update ang kanilang nutrition plans kasabay ng pagpapatupad ng full devolution sa susunod na taon, nais ni Doktora Helen Tan na repasuhin ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang Provincial Nutrition Action Plan nito upang palakasin ang pagtugon sa malaking problema ng malnutrisyon sa probinsya.

 

“Tunay na napapanahon ang kagyat na pagpapalakas ng mga plano at pagkilos ng ating lalawigan sa nutrisyon dahil sa mas pinalaking responsibilidad ng lokal na pamahalaan sa sektor ng kalusugan sa ilalim ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema”, paliwanag ni Doktora Helen. Matatandaan na mas malaki ang pondo na matatanggap ng mga local government units (LGUs) mula sa susunod na taon alinsunod sa desisyon ng Supreme Court sa petisyong isinampa noon ni Batangas Governor Dodo Mandanas.

 

Binigyang diin rin ni Doktora Helen na siyang tumatayong Chairperson ng Committee on Health ng mababang kapulungan ng Kongreso na nakakabahala ang resulta ng 2019 Expanded National Nutrition Survey para sa Quezon ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) kung saan napag-alamang anim sa bawat 10 (61.9%) na sambahayan sa Quezon ay nakakaranas acute food insecurity habang tatlo sa bawat 10 (32.2%) na sambahayan sa probinsya ay nakakaranas ng chronic food insecurity. Ang food insecurity ay isang kalagayan kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng paghihirap dahil sa kakulangan ng makakain na kanyang kailangan upang maging malusog habang ang chronic food insecurity naman ay isang pangmatagalan o patuloy na kakulangan ng masustansyang pagkain.

 

Ipinakikita rin ng Expanded National Nutrition Survey para sa Quezon na tatlo mula sa 10 (32.2) na mga batang may edad na mas mababa sa 5 ay bansot; dalawa sa 5 (18.8) na mga batang may edad na mas mababa sa 5 ay kulang sa timbang; at isa sa 10 (14.8) na mga bata ay anemic.

 

Dahil dito, pormal nang pinasinayaan ni Doktora Helen Tan at Atoni Mike Tan ang ‘Enhanced Nutribun Project’ noong Hulyo na naglalayong tugunan ang lumalalang malnutrisyon sa Ika-4 na Distrito at buong Probinsya ng Quezon.

 

Dr. Helen Tan Sa pakikipagtulungan ng DOST-FNRI, inilunsad nina Doktora Helen at Atorni Mike ang nasabing proyekto na sinaksihan nina DOST Secretary Fortunato Dela Pena, OIC Regional Director Emelita Bagsit ng DOST CALABARZON, Dr. Imelda Angeles-Agdeppa ng DOST-FNRI, Dr. Mario Capanzana, dating Director ng DOST-FNRI kasama ang Science Research Specialists at iba pang kawani ng DOST-FNRI at mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars ng Gumaca, Quezon.

 

Ang pagbabalik ng nutribun sa Quezon ay isinagawa nina Doktora Helen at Atorni Mike sa ilalim ng pinalawak na “Libreng Gamot at Nutrisyon sa Barangay”. Ang “Enhanced Nutribun Project” ay naisakatuparan matapos maglaan sila Doktora Helen at Atorni Mike ng kinakailangang mga pasilidad at kagamitan sa paggawa ng maramihang nutribun na ilalaan sa lahat ng tahanan o pamilya sa Ika-4 na Distrito ng Quezon at maging sa ibang mga lugar sa probinsya na may kaso ng mga batang may malnutrisyon. Habang ang teknolohiya naman sa paggawa ng enhanced nutribun ay naggaling sa DOST-FNRI.

 

Ang enhanced nutribun ay siksik sa micronutrients tulad ng iron at vitamin A. Ang bawat piraso ng tinapay ay naglalaman ng 504 calories, 17.8 grams protein, 6.08 milligrams iron at 244 micrograms vitamin A at nagbibigay ng 60% ng kinakailangang vitamin A sa mga bata

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.