Lacson-Sotto tandem-dating kampi ngayon…

0
119

Dahil nagpapa Cory este corny pa ang ating bise presidente Leni Robredo (kunyari ayaw at nagpapapilit pa), heto namang tandem nina Senate president Tito Sotto at Senator Panfilo Lacson ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Arya agad sa pagpahayag ng naisin nilang subukang manalo sa darating na eleksyong pampanguluhan sa Mayo 2022.

Sa totoo, marami ang may duda sa ginawang ito nina Ping at Tito or tawag ko nga eh PITO.  Pito ay puwedeng manguhulugan ng numero, o bilang ng mga priority issues ng dalawa o kaya ay Pito or whistle sa ingles, since dating hepe ng kapulisan tong si Ping Lacson. Mukhang me alam itong dalawang ito na hindi napapansin ng mga analysts– mayroong malaking bulto ng mga botante na ayaw na ayaw sa administrasyong Duterte at sa oposisyon. Obvious na ayawan ang grupo ni Duterte pero ngayon lang sa kasaysayan ng Pilipinas, inaayawan o mayroong pagdududa din sa oposisyon.

Paano ba naman hindi aayawan ang oposisyon—sila ang nag-astang hari-harian noong panahon ni dating Pangulong Aquino III. Sa maraming mga Pilipino, ang nakaraang administrasyon ang kahuli-hulihang pagkakataon ng mga dilawan o Liberal na magpakitang gilas. Na sa ilalim ng isang liberal demokratikong pamamahala, giginhawa ang Kalagayan ng masa. Pero, ano ang napala ng tuwid na Daan? OO, paglago ng ekonomiya pero sino sino lamang ang nakinabang? Silang mga nagpasasa na ng lang dekada są ekonomiya ng Pilipinas. Napawi ba ang katiwalian? Sa iland bahagi ng burukrasya oo. Pero may malaking parte ng ekonomiya at politica na sinaklawan ng mga dilawan. Hindi rin nadama sa kanila ang aruga at Malasakit.

Hindi maka administrasyon at hindi rin naman maka oposisyon– saamkatwid–dilawan. Naaalala ko ang bansag sa mga labor unions na hindi maka-kaliwa–tawag sa Manila ay dilawan or yellow labor unions. Kataka-takang hindi maka administration itong si Ping at Tito.

Sa naging gala nila sa ilalim ng administrasyong Duterte, hindi baga naging enablers sila ng pangulo sa pagsasaligal ng mga immoral na polisiyang nakasakit sa mga mamamayan? Umalma ba sina Ping at Tito noong kasagsagan ng patayan ng mga karaniwang mamamayan sa kampanya laban sa droga? Noong kasagsagan ng mga pagkilos ng Tsina sa West Philippine Sea, oo, mayroong pagtutol at malaking oras ang ginugol nila sa pagsang-ayon. Ilang batas ang nakalusot lalo na ang anti-terror law sa ilalim ng pamumuno ni Sotto.

Ngayong papalabas na ng administrasyon si Duterte, ngayon din naman ngumangawa ang dalawa at nakakita ng butas para suportahan ang patutsada ng isa pang senador, Senator Manny Pacquiao sa diumano’y kabulastugan at katiwalian na konektado sa ayuda.

Anong klaseng gulugod mayroon ang dalawang ito na sa panahong mag eeskapo na ang kanilang dating sunuportahan at itinuring na political ally, ay sila naman ngayon ang astang banaat at magpapatumba kay Digong?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.