Bakit mapanganib na muling iboto ang isang Duterte?

0
319

Marami ang nagsasabing kakaiba daw si Davao mayor Sara Duterte kumpara sa kanyang amant si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kung ang ama ay bastos, matino at mas magalang ang anak. Kung ang ama ay naging tau-tauhan ng kanyang mga kaibigan at kadalasang tamad sa kanyang trabaho dahil pagod na, iba ang anak– mas bata, mas masigla at mas masipag.

Owss?? Di nga. Huwag na tayong lumayo– gắwing halimbawa na lamang natin ang Davao. Sa deka-dekadang pamumuno ng mag-ama sa syudad, makron bang malaking pinagbago sa pamumuhay ng mga mamamayan duon? Sino-sino ang nagpasasa sa buwis ng taumbayan? Sino-sino ang lumago ang buhay simula’t sapul na nanungkulan ang mga Duterte?

Hindi ba’t ang mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng mga Duterte? Isang halimbawa na lamang ang isang executive assistant na tulad ni Senator Bong Go. Imagine, bilyonaryo na raw sabi mismo ng kanyang among si Duterte. Magkano ba ang kinikita o kinita na ni Bong Go noong siya’y assistant pa lamang ng Mayor na si Rodrigo? Halukayin kaya ang SALN ng isang yan at tignan–magkanong yaman lamang ang tanging maaaring makuha ng pisang tulad nyang empleyado ng city hall?

Huwag na tayong magbulag-bulagan— ang lahat ng ito– ang kanilang pamamayagpag sa pulitika ay mayroong ganansya. Ganansyang hindi lamang mula sa papuri at dagdag koneksyon kung hindi pera.

Anong buti o pagbabago pang maiaalok ang mga Duterte—kitang-kita na ng ating mga mata kung ano ang nangyari sa ating bansa, sa ating lipunan at maging sa ating mga pamilya– may kabutihan bang idinulot ang mga Duterte sa atin?

Kasta ka na ba sa ibinibigay na ayuda kada buwan? Kasya ka na ba sa serbisyong bayan na iniuunat sayo ng pamahalaan?

Okey ka lang bang ipagkanulo tayong mga Pilipino sa dayuhang beho? Okey ka bang murahin at sisihin pabalik sa mga kapalpakang silang mga Duterte mismo ang gumagawa? Ilang bilyong piso ang naibulsa ng mga kawatan sa administrasyon ni Duterte?

Gusto mo ng pagbabago–bakit ang mga Duterte ang pipiliin mo? Dahil inuuto ka ng mga walang lamang pangako at nakikiliti ka sa pakitang taong tapang?

At naniwala ka naman na nanatiling popular at minamahal ng taumbayan tong Pangulong ito?

Nilalansi tayo ng mga nagpapanggap na mayroong Malasakit sa mamamayan pero ang punu’t dulo nito’y ang pagkatakot nila sa sariling anino?

Hindi na dapat tayo papayag pa. Obvious ang pagkakaiba noong 2016 sa buhay natin ngayon.

Akalain mong nakakalusot ang mga oligarkiya sa pagpasa ng mas malaking gastos sa ating mga konsyumer sa elektrisidad at tubig. Malaya silang nagtataas ng presyo ng kuryente kada linggo.

Malayang nagtataas din ng presyo ng gasolina ang mga hungyango— nasilip mo na ba ang presyo ng diesel ngayon— 42 kada litro? Paano kaya ang gasolina–nag break na nga ng 50 per liter barrier.

Nangako ng Endo pero wala, nganga ang mga manggagawa. Ang yumayaman lamang ngayon ay ang mga tulisan at oportunistang mangangalakal.

Ipinaglandakang lumalaban daw sa oligarkiya pero ang hangad pala ay lumikha ng sarili niyang oligarkiya na sumisipsip sa yaman ng bansa.

Tama na. Hindi na dapat tayong pumayag.

Hindi na ako papayag.

Sara Duterte para Pangulo? At ama bilang bise presidente? Anong klaseng pagbabago ang gusto mo?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.