Nakatanggap ng ibayong suporta ang PH Olympics rowing qualifier mula kay Congresswoman Angelina ‘Helen’ D.L. Tan

0
77

Pagbibigay ng kinakailangang suporta mula kay 4th District, Quezon Province Representative Angelina ‘Helen’ D.L. Tan ang Filipino rower at pride ng Atimonan, Quezon na si Cris Nievarez na kakatawan si Pilipinas sa darating na Tokyo Olympics.

Ang tulong na magmumula kay Rep. Tan ay upang makapaghanda ng husto si Nievarez para sa men’s single sculls event ng Tokyo Olympics.

“I am very proud of what Cris, my kababayan from Atimonan, Quezon, has achieved not only for himself but for the country despite the hardships that he faced early in life. Being only the third rower to participate in this prestigious event proves that difficulties are meant to rouse and prepare us not discourage and dismay”, sinabi ni Rep.Tan sa isang maliit na pagtitipon.

Ayon kay Rep.Tan, hindi siya nagdalawang isip na pagkalooban ng kinakailangang insentibo si Nievarez dahil aniya ang Pinoy rower ay nagpapaalala rin sa kanya ng kanyang pinagmulan.

Sinabi rin niya na sila ni Chris ay nanggaling sa mahirap na pamilya at nakaahon sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili at pagsusumikap.

Sa panig naman ng Tokyo Olympics bound na si Nievarez ay labis itong nagpasalamat kay Rep. Tan at sa pamilya nito at nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang makapagdala ng medalya at karangalan sa bansang Pilipinas.

Si Nievarez ang ikalawang kinatawan sa Olympics na nagmula sa Quezon, Province. Ang una ay si Benjamin Tolentino, Jr. mula sa Pitogo, Quezon na kumatawan sa bansa noong 2000 Sydney Olympics.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.