PASADA-CC patuloy ang pamimigay ng mga health kits sa iba’t ibang lalawigan ng Metro Manila

0
313

Pamimigay ng isang buwang suplay ng libreng Vitamins, Alcohol, at Facemask ang inihatid ng PASADA-CC (Consumer-Commuter) sa mga mamamayan Maynila noong Labor Day, 2021 May 01, sa mga kalsada ng Legarda sa Sampaloc Maynila at Welcome Rotonda sa Quezon City.

Layunin ng proyektong Pasada Health Pantry na mabawasan ang mabilis na pag kalat ng Covid-19 pandemic sa bansa sa pamamagitan ng pamimigay ng isang health kit kada tao upang mapalakas ang kanilang immune system.

Magpapatuloy pa rin ang proyektong ito ng PASADA sa iba’t ibang lalawigan ng Metro Manila para makatulong sa gobyerno kahit sa maliit na paraan man lamang.

Habang wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang pandemya sa ating bansa ay hinihikayat ng PASADA-CC ang sambayanan na gawin ang ating parte bilang isang responsableng indibidwal upang mapabagal ang pagkalat ng virus.

Nagpapasalamat ang aming organisasyon sa mga good Samaritan na nag donate sa aming website (@PASADACC.com) na naging dahilan para maging posible ang aming mabuting hangarin sa mga mamamayan ng bansa.

Sa mga gusto pang mag donate, maari lamang magtungo sa aming website o bumisita sa aming Facebook Page @PASADACC.

Maari rin kontakin ang aming Pasada Head Administrator sa numerong ito 09665406225.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.