Gobernador na me anak na adik

0
75

AAMININ KAYA NI GOB NA ANG ANAK NIYA’Y ADIK? Umaasa ka pa, of course not! Meron bang pulitikong ipinagkanulo ang kanyang sariling dugo? Wala pa akong nababasa sa Guinness World of Records kung hindi ang kaisa-isang pulitikong tumama ng sweepstakes nang ipakita nia kung papaano Siyang naging pinakamalaking kawatan sa buong mundo habang sinasabitan ng sampaguita sa leeg.

ALAM KAYA NI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE na isa sa kanyang mga gubernador ay may anak na adik? Ang siste, kasuya suya ang adik na ito dahil feeling gwapo pero mukha talagang bisangot pasensya na sa mga kapatıd nating pangit, heto, nabiyayaan lamang ng isang Pajerong sasakyan, akala niya laglag panty na ang mga kababaihan. Excuse me–marami pa dyang dalagang Pilipinang hindi nasisilaw ng pera o kapangyarihan.

NASASA DRUG LIST KAYA NG PDEA ANG ADIK NA ITO NA TAGA DISTRIBUTE PA NG DROGA SA MGA BARKADA NIYANG ADIK DIN? Ginagamit daw ang droga para maipambabae. Well, expected na–pangit nga eh, hindi ka pa maniwala.

KUNG NASASA DRUG LIST, EH BAKIT HINDI KATUKIN SA KANILANG PALASYONG BAHAY AT I-PRAY OVER NG MGA PULIS ANG ADIK NA BINATA PARA MAWALA ANG MASAMANG ESPIRITU NG DROGA SA KANYANG KATAWAN? Pero, kung paniniwalaan natin si Pangulong Duterte, wala na yan. Zombie na yan. Hindi lang katawan nyan ang sira na sa kaka hithit ng marihuana at cocaine– pati na utak nyan, droga ang napapaginipan.

ALAM BA NI GOB ANG PROBLEMA NG KANYANG ANAK? OO naman. Dahil, sabi nga nila, me pinagmanahan. Dati ring adik sa cocaine ang gubernador na ito na nakagawa pa ng sex tape noong kapanahunan ng batas militar. Panay party din ng kumag at kaya naman sabi nila nakapangasawa ng maniac. Panong di maniac—pati ba naman anak ng hardinero, pinatos habang nasasa official trip ang pulitiko.

KUNG ANG MGA PARAJINOG AY NAPATAY AT ILAN DING MAYOR ANG NASAMPULAN NG RAID NG KAPULISAN, EH, BAKIT HETONG GUBERNADOR, TILA YATA, PALAGIANG NAKAHUHULAGPOS SA BITAG? Iyan ang iiwanan ko sa inyong katanungan mga kapatıd. Kung iyo mang mahulaan kung sino tong gubernador na ito, comment ka lang below.

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.