Plastic plant warehouse ng San Miguel naabo

0
194
Kuha ni Benjie Cuaresma.

Naabo ang plastic plant warehouse ng San Miguel sa Thomas Claudio, Pandacan, Manila kung saan umabot ang alarma ng naturang sunog sa Task force Bravo.

Dahil sa laki ng apoy , nadamay at bumagsak ang isang portion ng ginagawang skyway sa naturang lugar at tumawid pa ang apoy sa riles ng tren sa bandang Zamora bridge kaya’t itinigil muna pansantala ang operasyon ng PNR.

Kuha ni Benjie Cuaresma.

Nagsimula ang sunog ng alas-10:30 ng umaga. Bandang  alas-11 ay itinaaas na ang alarma sa Task Force Bravo dahil sa laki ng apoy. Naapula ito ng mga miembro ng BFP bandang alas-2 na ng hapon, kahapon. (Benjie Cuaresma/IA/CPH)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.