“No parking” parking delinsya sa mismong gilid ng Manila City Hall?

0
1189
Kuha ni Benjie Cuaresma. (IAmigo/CPH)

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Malinaw ang utos ng Administrasyong Duterte na ibalik ang lahat ng bangketa sa mga tao kaya’t nitong mga nakaraang taon at sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang mga clearing operations partikular dito sa lungsod ng Maynila.

Ang pagpapapogi ng mga kinauukulan ay madalas mapanood sa mga Social Media ngunit sa kabila nito ay makikita ang kawalang disiplina ng mga motorista’t mga sana’y nagpapatupad ng “No Parking“ policy sa mismong bakuran ng Manila City Hall.

Kuha ni Benjie Cuaresma. (IAMIGO/cph)

Madalas ipagmalaki ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang kanilang panuntunan na nakatatak sa likuran ng kanilang uniporme na “No To Kotong” pero sa pagkakakitaan ay mabilis at matalas ang kanilang pag-iisip. Naglalaho ito.

Reklamo pa ng mga estudyante at matatandang naglalakad sa bangketa tabi lamang ito ng Philippine Normal University na  hindi na sila makapaglakad ng sabay dahil pati bangketa ay pinaradahan na rin ng mga motorsiklo at ginawang “Pay Parking” area gayong may nakalagay na karatulang “No Parking.”

Kaya’t sadyang kawawa ang may edad na’t hirap nang lumakad na kailangan akayin pa ay nagkukumahog maglakad na mag-isa sa gitna mismo ng kalsada at nanganganib masagasaan.

Hindi natin kinukontra ang Pay Parking ng MTPB pero dapat ilagay naman sa tama.

P20 pesos ang singilan dito na kung minsan ay binabago at ginagawang P30 ng mga parking attendant depende sa ihip ng hangin.

Madalas marinig sa mga motoristang pumaparada ang ganitong reklamo.

Alam kaya ito ng ating magaling na Yormi ng lungsod ng Maynila na si Mayor Isko Moreno-Domagoso?

Sang-ayon tayo sa Pay Parking dahil karagdagang kita ito para sa kaban ng lokal na pamahalaan pero kailangan isaayos ang sistema ng pamamalakad ng di po kayo tinotolongges ng mga tauhan niyo. (BENJAMIN CUARESMA/IAMIGO/CPH)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.